• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Relasyong Coco at KC, posible?

Balita Online by Balita Online
July 20, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

KC-Concepcion_REGGEE-copy

“MAGKASUNDO sina Coco (Martin) at KC (Concepcion) sa set, ang ganda nga nilang tingnan dalawa. Masaya sila, nagkukuwentuhan,” kuwento ni Direk Malu Sevilla nang maharang namin siya sa 9501 nang ganapin ang grand presscon para sa book two ng Ikaw Lamang kasama ang mga bagong cast.

Kinumusta kasi namin sa kanya sina Coco at KC at kung hindi ba nagkakailangan sa set dahil first time nilang magkatrabaho. Pero okay naman pala ang dalawa, kaya ang sunod na tanong namin ay kung may posibilidad na maging “sina” Coco at KC.

“Ha-ha-ha, hindi ko alam, I wouldn’t know, it’s to early to tell, all I can share is they’re okay, magkasundo sila,” nakatawang sabi ni Direk Malu.

Binanggit namin na may Paulo Avelino si KC kaya baka malabo nga.

“Puwede, oo, pero alam mo, hindi natin masabi ang bukas, but Paulo is a nice guy.  Pero confirmed na ba ‘yan na sila na?” balik tanong sa amin.

Binanggit namin na may nasagap naming tsika na may relasyon na sina KC at Paulo pero hindi lang maamin kasi nga may mga serye silang ginagawa at priority nila ang trabaho.

“Well, wala pa akong alam kasi hindi ko pa sila nakakausap, all I know is they’re friends, same with Coco, okay din sila ni KC,” sabi ni Direk Malu.

I-push ba talaga sina KC at Coco? Sabagay, tahimik pero mabilis din sa babae ang kayumangging aktor at posibleng maungusan niya si Paulo dahil parati silang magkasama ni KC sa Ikaw Lamang.

Coco Martin

“Ay, hindi ko na alam ‘yan, puwede rin,” nakangiting say ni Direk Malu.

Base naman sa obserbasyon namin ay mala-Robin Padilla si Coco at Sharon Cuneta naman si KC na madaling ma-in love.

“Ganu’n ba ‘yun?  Oo nga ‘no, si Sharon that time mabilis ma-in love kasi bata pa, eh, tingnan natin, iba naman siguro ang anak,” pangsang-ayon sa amin ng direktor ng Ikaw Lamang.

Samantala, nabanggit ni Direk Malu na ngaragan ang tapings nila ng Ikaw Lamang at sa katunayan ay nagkakasakit na raw siya dahil sa halos araw-araw na ngaragan nilang trabaho.

May sinat nga si Direk Malu nang mahawakan namin kaya’t pinayuhan naming umuwi na at magpahinga.

Pero bago kami tuluyang naghiwalay ay may ibinigay siyang tip.

“Medyo mas maikli itong new chapter ng Ikaw Lamang, not like the first one, ito mas mabilis matatapos, so kung dire-diretso, before end of December ang tapos,” say niya.

Tatlo silang direktor na nagtutulung-tulong sa Ikaw Lamang, kasama ni Direk Malu sina Avel Sunpongco at Manny Palo.

Tags: coco martinIkaw LamangKCkc concepcionngapaulo avelinorobin padillasharon cunetasila
Previous Post

Committee hearing sa Camp Crame, hiniling ni Jinggoy

Next Post

Equestrian riders, makikipagsabayan sa Asian Games

Next Post

Equestrian riders, makikipagsabayan sa Asian Games

Broom Broom Balita

  • Buwelta ng ina ni Jake Zyrus na tumalak sa kaniyang si Ogie Diaz: ‘Wait ka lang d’yan, bibigyan kita…’
  • Youtuber MrBeast, nagbigay ng kotse bilang tip sa isang waitress
  • Effort ni Andrea natalbugan ang gf proposal ni Ricci, naging ‘Best at Most Creative Promposal’ sa Star Magical Prom
  • Ogie Diaz, sinupalpal ang ‘pag-uugali’ ng ina ni Jake Zyrus: ‘Ang problema, may sinasagasaan kang tao’
  • Kim Atienza, kumpiyansang mapupunta siya sa langit kapag nategi
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.