• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Nancy kay Trillanes: Magpakalalaki ka

Balita Online by Balita Online
July 20, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinamon ni Senator Nancy Binay si Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV na “magpakalalaki” at “magpakatotoo” sa tunay na motibo nito sa paghahain ng resolusyon para pagsasagawa ng imbestigayon ng Senado kaugnay sa umano’y overpricing ng car park building sa Makati City Hall.

“Sabi ko nga magpakalalaki at magpakatotoo si Sen. Trillanes kasi ‘yung ginawa n’yang resolution, hindi na in aid of legislation. It’s a demolition job against my father,” sabi ni Nancy Binay.

Payo ni Nancy kay Trillanes, mas mabuting magsampa na lang ito ng impeachment complaint laban kay Vice President Jejomar Binay sa halip na gawing “kangaroo court o criminal tribunal” ang Senado.

Noong Lunes, naghain si Trillanes ng resolusyon para ipatawag sina VP Binay at Makati City Mayor Jejomar Erwin “Jun Jun” Binay sa Senate inquiry.

Iginiit ni Sen.Binay hindi na kailangang humarap pa sa Senado ang kanyang ama, dahil kayang-kaya na ni Mayor Jun-Jun ipaliwanag ang lahat ng isyu.

Paalala ni Senator Binay kay Trillanes, pangalawang pangulo ang kanyang ipinapatawag sa Senado at hindi ordinaryong opisyal ng gobyerno.

Paliwanag ng senadora kailangan din ng kanyang ama na protektahan ang dignidad ng kanyang tanggapan at ang tamang proseso ay sa impeachment court dahil may kortesiyang ibinibigay sa Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Hinala ng Senadora may tunay na motibo sa isyu ay pulitika dahil si Atty. Renato Bondal, na siyang naghain ng kasong plunder laban kay VP Binay, ay kapartido nina Trillanes at Senator Alan Peter Cayetano sa Nacionalista Party na parehong nag-anunsiyo sa kanilang interes na tumakbo sa pagkapangulo at pagkabise-presidente sa 2016 elections.

Tags: 2016 electionsalan peter cayetanobinayimpeachment complaintjejomar binayMakatinacionalista partyPanguloSenadosenateSenator Nancy BinayTrillanes
Previous Post

Batang Gilas, ihahanap ng matatangkad na manlalaro

Next Post

COA auditors sa gov’t agencies, alisin na lang

Next Post

COA auditors sa gov’t agencies, alisin na lang

Broom Broom Balita

  • Abra, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.