• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

ANO ANG SAVINGS? TINGNAN LANG SA DICTIONARY

Balita Online by Balita Online
July 20, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SAVINGS ● Hindi na kailangang magsunog ng kilay ang Kongreso upang malaman kung ano ang kahulugan ng savings. Sa dictionary matatagpuan na ang kahulugan nito. Sa totoo lang, hindi naman mahirap maunawaan ang kahulugan ng savings, maliban kung binigyang kahulugan ito upang lumapat sa layunin ni Budget Secretary Florencio Abad. ni hindi na kailangan ni Sen. Alan Peter Cayetano na magtanong sa Supreme Court kung ano ang kahulugan ng savings.

ISRAEL AT HAMAS ● Sa bangayan ng Israel at Hamas, isang grupo na kilala sa pagpapahirap sa mga Israelita sa Holy Land, ay nangangailangan ng mas malalim na pag-unawa. Ang pagsisikap ng Israel na mabuhay ay nangangailangan pandaigdigang suporta. Ang Israel ang tanging demokratikong bansa sa Middle East. Simula sa pagsilang nito noong 1948, pinananatili ng Pilipinas ang relasyon nito sa Israel. Matapos manalasa ng bagyong Yolanda, nanguna ang israel sa pagdamay sa ating mga kababayan. Kamakailan lang, ang magiliw na si Israeli Ambassador Menashe Bar-On ay nagpatawag ng isang press conference at ipinahayag ang pagdaraos ang International Conference on Homeland Security sa Tel-Aviv sa nob. 9-12. Kailangang dumalo rito ang ating mga leader sa larangan ng seguridad.

TAGUMPAY NG BOY SCOUTS ● Sinabi ni ginoong Ireneo C. Aquino, chairman ng 2014 national Fund Campaign of the Boy Scouts of the Philippines (BSP) na ang tagumpay ng kanilang kampanya ay bunsod ng liderato ni Vice President Jejomar C. Binay, BSP national president. Si VP Binay, ang walang kapagurang leader ng scouting, ay malugod sa umaasa na mas maraming kabataang Pilipino ang malilinang bilang mabubuting mamamayan tulong ng BSP.

EXPORT UMARANGKADA ● naungusan ng Pilipinas ang ibang bansa sa larangan ng kita sa export noong Hunyo 2014. Ang pagtaas na 21.3% export gain, ayon sa kay NEDA director general Arsenio Balisacan, ay ang pinakamataas sa Southeast Asia. Nahigitan ng bansa ang Vietnam na nagtala ng 12.7% noong Hunyo; Malaysia, 5.6%; Singapore, 4.7%; Thailand, 3.9%; at Indonesia, 3.8%, China na nasa 7.2%; Hong Kong, 2.7%; South Korea, 2.5%; at Taiwan, 1.2%. Sana lang ang kinita ng export natin ay tunay na pakikinabangan ng ating mga kababayan.

Tags: alan peter cayetanoAng Israelano angarsenio balisacanatinghamasisraelmga kababayanPhilippinetel aviv
Previous Post

Abalos: Pulis, militar, saklaw ng riding-in-tandem ordinance

Next Post

Big C for me is Christ – Christopher

Next Post

Big C for me is Christ - Christopher

Broom Broom Balita

  • Pagpapalawig sa enrollment period, hindi pa natatalakay ng DepEd; Enrollees, higit 21.2M na
  • Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’
  • ‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay Atty. Vince
  • Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’
  • Darna, lumipad na sa ere; ‘nilublob ba sa ilog’ si Lolong?
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

Pagpapalawig sa enrollment period, hindi pa natatalakay ng DepEd; Enrollees, higit 21.2M na

August 16, 2022
Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

August 16, 2022
‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay  Atty. Vince

‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay Atty. Vince

August 16, 2022
Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

August 16, 2022
Darna, lumipad na sa ere; ‘nilublob ba sa ilog’ si Lolong?

Darna, lumipad na sa ere; ‘nilublob ba sa ilog’ si Lolong?

August 16, 2022
2 opisyal ng SRA, tuluyan nang nagbitiw sa puwesto

2 opisyal ng SRA, tuluyan nang nagbitiw sa puwesto

August 16, 2022
LRT-2, magkakaloob ng free rides para sa Filipino veterans mula Abril 5-11

LRTA: 2.2M estudyante, makikinabang sa Libreng Sakay ng LRT-2

August 16, 2022
Tatlong tomador, tiklo matapos mangupit ng sitsiryang pampulutan

Tatlong tomador, tiklo matapos mangupit ng sitsiryang pampulutan

August 16, 2022
Jolina Magdangal, nag-feeling ‘Atty. Woo’

Jolina Magdangal, nag-feeling ‘Atty. Woo’

August 16, 2022
Marian Rivera, mas mukha raw bata kaysa kay Bea Alonzo, sey ni Lolit

Marian Rivera, mas mukha raw bata kaysa kay Bea Alonzo, sey ni Lolit

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.