• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Married life nina Richard at Lucy, made in heaven

Balita Online by Balita Online
July 9, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Richard & Lucy Gomez

Ni CHIT A. RAMOS

MAITUTURING na pinakamasayang presscon para kay Richard Gomez ang ipinatawag ng TV5 para sa game show niyang Quiet Please! Bawal ang Maingay! sa Annabel’s resto noong Lunes, at mapapanood na sa Linggo, alas-8 ng gabi.

Nadama ni Richard ang pinakamainit na welcome para sa kanya ng entertainment press at nakita rin ng TV5 kung gaano kahalaga sa kanila ang dating numero unong aktor ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Si Richard ang itinuring na nag-iisang “Adonis ng Pelikulang Pilipino” dahil taglay niya ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: ”Tall, dark and very handsome.

Hindi pa rin nagbabago ang angas ni Richard bilang actor. Mula ulo hanggang paa, naroon pa rin ang Richard na natuklasan ng master discover na si Douglas Quijano (SLN). Walang binatbat kay Richard ang lahat ng mestisuhing actor na contract stars ni Mother Lily, noon hanggang ngayon.

Si Richard din ang sagot sa dasal ng isang Lucy Torres nang magkasama sila sa isang shampoo commercial 21 taon na ang nakakaraan.

Grade 6 pa lang si Lucy nang matuklasan niyang nag-e-exist pala ang ‘man of her dreams.’

“I used to write his name on a piece of paper at nag-pray ako na siya ang ibigay sa akin ni Lord na makakasama ko habang buhay,” ani Lucy sa isang interview.

Probably, prayers brought Richard and Lucy together, kaya maituturing ni Richard that his life with Lucy is made in heaven.

Wala si Lucy sa presscon ng Quiet Please! Bawal ang Maingay pero siya at siya lagi-lagi ang favorite topic of conversation sa bawat table.

Tiyak na malulunod sa saya ang mga manonood ng game show ni Richard hindi lamang dahil kasama niya as co-host si K Brosas kundi sa magiging pilot guests ng show na tatawaging “Team Sexy” na binubuo nina Derek Ramsay, Alice Dixon, at Wendell Ramos.

May “Team Katawan” din na magbibigay sa televiewers ng isang libo’t isang katuwaan at kadramahan dahil darating ang closest friends niya sa showbiz at unforgetable on-screen television and movie partners.

May reunion ding magaganap sa “Team BFF” niya, headlined by Joey Marquez, Anjo Yllana and Snooky Serna.

Huwag na huwag kaligtaang panoorin ng Quiet Please! Bawal ang Maingay! sa Linggo.

Tags: anjo yllanagame showlily monteverdelucy torresQuiet Please Bawalrichard gomezsnooky serna
Previous Post

Anti-pork signature drive inilunsad sa Cebu

Next Post

Colonia, malaki ang tsansa sa Asiad

Next Post

Colonia, malaki ang tsansa sa Asiad

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.