BEIJING (Reuters)— Binabalak ng China na magtayo ng mga parola sa limang isla sa South China Sea, iniulat ng state media noong Huwebes, isang pagbalewala sa panawagan ng United States at Pilipinas sa itigik ang mga ganitong uri ng aktibidad para humupa ang tensiyon sa magkakaribal na pang-aangkin sa karagataan.
Dalawa sa mga ilsang pagtatayuan ng parola ng China ay lumalabas na nasa karagatang inaangkin din ng Vietnam at Taiwan.
Sinabi ng state-run China News Service na nagsasagawa ang Chinese authorities ng survey para sa pagtatayuan ng mga parola sa limang isla na kilala sa English biang North Reef, Antelope Reef, Drummond Island, South Sand and Pyramid Rock.