• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

I don’t mind kung nilamon ako –Arjo Atayde

Balita Online by Balita Online
July 15, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Arjo Atayde

“BIRUAN namin ni Mama, bukas wala ka nang career,” tumatawang sabi ni Arjo Atayde nang tanungin namin tungkol sa eksena nilang mag-ina sa Pure Love.
 
Wala pala siyang idea na papasok sa serye nila si Sylvia Sanchez, kaya, “Masaya ako nu’ng nalaman ko, kasi isa naman talaga ‘yun sa goal ko o dream ko, makaeksena ang nanay ko.
 

“Kasi normally ‘pag may kausap akong mga artista, sinasabi magaling siya, pero never ko pa siyang nakaeksena kaya hindi ko alam.
 
“Pero bilang anak, nasanay lang ako na nandiyan siya lagi, nakakausap ko, kaya hindi ko nakikita ‘yung pagkaartista niya. So, eventually, after this (eksena nilang dalawa), humanga na ako pagkatapos, intense ‘yung scene at drama talaga, at doon ko lang nakita na, ‘ay, artista talaga’ at doon ko lang napatunayan na magaling nga talaga siya,” kuwento ng proud son ni Ibyang.
 
Hindi ba siya kinabahan o nag-alangan na baka lamunin siya ng kanyang ina sa aktingan?
 
“Hindi naman, kasi ‘pag magaling naman ang kaeksena mo, hahatakin ka naman pataas, di ba?

“‘Yung nilamon, hindi naman, siguro it’s for you guys to judge. But I don’t mind kung sabihing nilamon ako, it’s because she’s there for how many years already at napakagaling at isa siya ‘yung ‘tinuturing kong magaling na aktres sa industriya and I don’t take it against that. Ang goal  ko lang sa eksenang iyon, eh, makasabay man lang ako sa kanya,” sagot ng binata.

Inamin niya na ang nanay niya ang kanyang mentor at critic.
 
“Sabi lang niya, ‘magaling ka talaga’. After the scene, nag-text siya, sabi niya, ‘magaling ka nga’. Natuwa ako kasi siya ‘yung mentor ko talaga. Kung may problema sa acting ko at may nakita siyang mali, nagtetext kaagad siya sa akin. Nakatututok ‘yan, eh. ‘Pag may episode siyang hindi napanood, may I Want TV, doon siya,” sabi ni Arjo.
 
Oo nga naman, saan ba nanggagaling ang bunga, e, di sa puno, di ba, Bossing DMB?
 
Samantala, tungkol naman sa nude photos na kumalat sa social media na inakala ng lahat na si Arjo dahil kamukha raw, tuwang-tuwa pa ang aktor sa halip na magalit.
 
“Sobrang nagpapasalamat ako sinuman ang nag-upload kasi ang ganda ng katawan nu’ng guy, eh, hindi naman maganda katawan ko, ha-ha-ha. Kaya sobra-sobrang salamat talaga.
 
“But it’s not me, and besides, hindi ko naman gagawin ang ganu’n. Wala akong ganu’n (sex video),” say ni Arjo.
 
Hindi niya naiisip gawin ang ganoon dahil, “Self-respect lang, at sa girl you’re with. Dignity mo ‘yun, eh, so I don’t agree with that,” katwiran ng binata.

Tags: ActorakoArjo AtaydekasisabiSylvia Sancheztalaga
Previous Post

Kasunduan ng PSC, NCCA, naplantsa

Next Post

Kontra-SONA, ilalarga ng Senate minority bloc

Next Post

Kontra-SONA, ilalarga ng Senate minority bloc

Broom Broom Balita

  • Military assets, panatilihing ‘ready to go’ — Marcos
  • 3 lider ng NPA, napaslang sa magkakahiwalay na sagupaan sa Agusan
  • Babae, nasagip sa pagkakahulog sa isang gusali sa Binondo
  • Ultra, Mega Lotto jackpot, mailap pa rin — PCSO
  • Imee Marcos, binatikos ang ICC sa ‘di pagpansin sa crimes vs humanity ng Western nations
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.