• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

NLEX, palalaparin sa bahaging Guiguinto-San Fernando

Balita Online by Balita Online
July 20, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Maglalaan ng P5 bilyon ang Manila North Tollways Corporation (MNTC) para gawing anim ang lane ng North Luzon Expressway (NLEX) mula sa Sta. Rita Exit sa Guiguinto, Bulacan hanggang sa lungsod ng San Fernando sa Pampanga.

Sinabi ni MNTC President Rodrigo Franco na mahigit 50 porsiyento na ang itinaas ng trapiko sa naturang bahagi ng NLEX simula nang maging moderno ang expressway noong 2005.

Bukod dito, nadadagdagan ng 25 porsiyento ang volume ng mga sasakyan sa nasabing kalsada tuwing Undas, Pasko at Semana Santa.

Kasabay nito, nanawagan naman ang mga motorista kay Franco laban sa paghahari-harian umano ng mga NLEX patrol, iginiit na nagmimistulang may “Martial Law” sa highway dahil sa bagsik ng mga enforcer na dapat sana ay magiliw na umaalalay sa mga motorista.

Base sa plano ng MNTC, tatambakan ang kanang bahagi ng magkabilang panig ng NLEX upang magdagdag ng isang lane kaya magiging tatlo na ang lane patungong norte, gayundin pa-Metro Manila.

May habang 24 kilometro ang Sta. Rita hanggang San Fernando, kasama na ang Candaba Viaduct na may habang pitong kilometro.

Bukod dito, balak din ng MNTC na gawing apat ang lane, o tig-dalawang linya sa magkabilang panig, ang bahagi ng Dau hanggang Sta. Ines sa Mabalacat, Pampanga dahil madalas ang aksidente sa lugar.

Pinag-aaralan din ang pagpapalaki ng tulay sa Bocaue Interchange, lalo dahil malapit ito sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria. – Mar T. Supnad

Tags: kanangmetro manilana angng mganlexnorth luzon expresswaypampangaSan Fernando
Previous Post

Squires, nakisalo sa liderato sa NCAA Juniors

Next Post

Jericho, bumalik sa Star Magic

Next Post

Jericho, bumalik sa Star Magic

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.