Home » Posts tagged with » death penalty

LABAN LANG SA DUKHA

SA presidential debate kamakailan, nang tanungin ng moderator ang mga nagdedebateng kandidato sa pagkapangulo kung sino ang pabor sa death penalty, may kanya-kanyang sagot ang apat na kandidato. Sina Mayor Duterte at Sen. Poe ang nagtaas ng kamay bilang pagsang-ayon, habang sina VP Binay at Sec. Roxas ay hindi sumang-ayon.

De Lima: Death penalty ‘di sagot sa krimen

Walang sapat na batayan na napipigilan ang krimen sa bansa ng parusang kamatayan kaya mas makabubuti kung palalakasin ang sistema ng hudikatura bilang sagot sa kriminalidad.

BUHAY Din ang kaBAYARAN

SA kabila ng panawagan ni Pope Francis na hindi nararapat ang parusang kamatayan, hindi nagbabago ang ating paninindigan hinggil sa muling pagpapatupad ng death penalty. Lagi nating binibigyang-diin na ang naturang parusa ang epektibong hadlang sa walang pakundangang pamamaslang at iba pang karumal-dumal na krimen at sa paggawa at pagbebenta ng mga ilegal na droga.

CBCP official kay Duterte: Nakadidismaya ka!

Kinontra ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pahayag ng presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ang pagbabalik sa parusang kamatayan ang pinaka-epektibong solusyon laban sa krimen.

DEATH PENALTY

DALAWA pa lang sa mga kandidato sa pagkapangulo ang alam kong nagbigay na ng maliwanag na posisyon sa isyu ng death penalty. Si VP Binay, sa pagiging human rights lawyer noon, ay tutol sa pagbabalik nito. Si Mayor Duterte naman, na ang ipinagmamalaking solusyon sa krimen ay karahasan, ay pabor dito. Ayon sa kanyang spokesman, kapag naging Pangulo si Mayor ay ibabalik nito ang parusang kamatayan. Sa isyung ito nahahati ang bansa.

Pinakamatinding parusa vs dayuhang drug offenders

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang nagpapataw ng pinakamatinding parusa, kabilang ang kamatayan, sa mga dayuhan na napatunayang nagkasala sa aktibidad ng ilegal na droga sa bansa.

Pilipinas, lumagda sa pandaigdigang pagbura sa parusang kamatayan

“The Philippines joins this noble international endeavor that aims to foster an open and constructive dialogue between abolitionist and rejectionist countries,” sinabi ng DFA sa isang pahayag.

INUTANG ANG BUHAY

ANUMAN ang sabihin ng sinuman, kabilang ako sa mga maninindigan para sa pagbabalik o pagbuhay ng death penalty. Naniniwala ako na ito ay isang epektibong hadlang sa karumaldumal na krimen, lalo na ngayon na walang patumangga ang patayan, panggagahasa at paghahari ng mga drug lord; ang lahat ng ito ay dapat lamang hatulan ng kamatayan. […]

Pangulong Aquino, matigas sa pagkontra sa death penalty

Matigas na pinanindigan ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi ito pabor sa panawagang ibalik ang parusang kamatayan sa mga convicted sa karumal-dumal na krimen. Una nang hiniling ni Sen. Tito Sotto III na ibalik ang death penalty matapos madiskubre ang nagpapatuloy na operasyon ng mga convicted drug lords kahit nakakulong na sa New Bilibid Prisons […]

TUTOL AKO SA DEATH PENALTY

Nabuksan na naman ang isyu ng pagbalik ng parusang kamatayan. Ang artistang si Cherry Pie Picache ay nagsabing dapat ibalik na ito bunsod nang brutal na pagpaslang sa kanyang ina. Inayunan naman ito ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na noon pa man ay ganito na ang paninindigan. Pero, tutol ang Malacañang sa panukalang […]