Nagpatuloy ang mainit na paglalaro nina Fil-American netter Treat Huey at Max Mirnyi ng Belarus sa ginaganap na Australian Open matapos na tumuntong sa doubles quarterfinals sa pagpapataob sa kanilang nakasagupa sa third round ng torneo na ginaganap sa Melbourne.
Agad na masasabak ngayong 10:00 ng umaga ang apat na Filipino netters sa pagsisimula ng unang round ng main draw sa men’s singles ng ATP Challenger Tour Philippine Open sa bagong gawang Rizal Memorial Tennis Center.
Muli na namang nakauna sa kanilang mahabang rivalry ni Rafael Nadal si Novak Djokovic nang talunin ng world number one ang Spaniard sa kampeonato ng Qatar Open noong Sabado.