Home » Archives by category » Sports (Page 802)

Laban ni Nietes at Estrada, kinansela

Ipinahayag ng Ala promotion, may hawak sa career ni Nietes, na iniatras sa 2017 ang laban ng Pinoy champion matapos utusan ng WBO ang Mexican fighter na sumabak muna sa mandatory title defense kontra kay Japanese Kazuto Ioka.

NBA: McCollum, nanatili sa kampo ng Blazers

Nakipagkasundo si CJ McCollum sa Portland para manatiling Blazer sa loob ng apat na taon at sa halagang $106 million.

Blatche at 2019 World Cup, prayoridad ng SBP

Mananatili si Andre Blatche bilang miyembro ng Gilas Pilipinas na target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maihanda ng maaga para sa pagsabak sa 2019 World Cup kung saan nakataya ang eksklusibong silya para sa inaasam na 2020 Tokyo Olympics.

Jordan, naglaan ng US$1M para sa civil rights

Jordan, naglaan ng US$1M para sa civil rights

Tinapos ni NBA legend Michael Jordan ang pananahimik hinggil sa isyu ng police violence at naglaan ng $1 million para magamit na pondo para paigtingin ang programa ng NAACP Legend Defense na tumutulong sa pagresolba ng kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan sa komunidad.

Pinay jin, sabak agad sa mabagsik na karibal sa Rio

At ang pag-asa ng bansa na makakita ng kulay ng medalya sa naturang sports ay maagang malalagay sa alanganin nang mabunot na kalaban ni Alora ang world No. 1 sa kanyang debisyon na si Maria Espinoza ng Mexico.

Digicomms, lider sa Friendship Cup

Nasolo ng Full Blast Digicomms ang liderato matapos biguin ang Photographers, 106-60, habang itinala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ikatlong sunod na panalo upang pahigpitin ang labanan sa ginaganap na 2016 Friendship Cup – Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament, sa Rizal Memorial Coliseum.

Bakers, nalasing sa Rhum Masters

Naisalpak ni Kevin Ferrer ang pinakaimportanteng opensa ng laro para sandigan ang Tanduay sa makapigil-hiningang 75-74 panalo kontra Café France nitong Lunes ng gabi, sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

SBP Congress, itinakda sa Agosto 8

Nakatakdang ihalal ang kabuuang 25 miyembro na bubuo sa bagong pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Agosto 8.

NBA: Durant, nakaalpas na sa isyu ng paglipat; handa na sa Olympics

Handa na si Kevin Durant na pangunahan ang US Olympic team at umaasang ang paglahok niya sa Rio ay magpapahinahon sa kanyang kritiko matapos lumipat sa Golden State mula sa Oklahoma City.

PBA: Mahindra at SMB, agawan sa liderato

Pag-aagawan ng Mahindra at defending champion San Miguel Beer ang solong pamumuno sa kanilang pagtatagpo ngayong hapon sa unang laro ng nakatakdang double header ng 2016 PBA Governors Cup elimination, sa Smart Araneta Coliseum.