Home » Archives by category » Sports (Page 732)

PSC Laro’t-Saya, di napigil ng Bagyong Onyok

Hindi napigilan ng malamig na ambon at hangin ng Bagyong Onyok ang kabataan at pamilya na madalas sumali at makilahok sa libreng inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na PLAY ‘N Learn, Laro’t-Saya sa Parke Linggo ng umaga matapos na makisaya sa iba’t-ibang laro sa Burnham Green sa Luneta Park.

Ayala Harpoons, kampeon sa 2015 Speedo National C’ships

Tinanghal na pangkalahatang kampeon ang Ayala Harpoons Swimming Club matapos ang pagsasagawa ng 2015 Speedo National Short Course at Long Course Swimming Championships na inorganisa ng Philippine Swimming Incorporated (PSI) sa Valle Verde Country Club.

Boxer na si Oliva, nabigong masungkit ang WBO Africa

Nabigo si two-time world title challenger Jether Oliva ng Pilipinas na makapasok sa world ranking nang matalo ito ni dating IBF super flyweight champion Zolani Tete sa 12-round unanimous decision kamakalawa ng gabi sa East London, South Africa.

Dahil sa baha, hindi natapos ang first round ng laro

Hindi natapos ang first round ng UAAP Season 78 juniors football tournament ngayong 2015 makaraang kanselahin ang huling laban na dapat idinaos noong Sabado ng hapon sa pagitan ng defending champion Far Eastern University (FEU)-Diliman at ng Ateneo at ng De La Salle-Zobel at ng University of Santo Tomas (UST).

Hinamon ni Rafael Don Anjos si Conor McGregor  matapos talunin si Cerrone sa UFC Orlando

Hinamon ni Rafael Don Anjos si Conor McGregor matapos talunin si Cerrone sa UFC Orlando

Bilang isa sa dalawang kampeon mula Brazil sa UFC, siniguro ni Rafael Dos Anjos na mananatili sa kanyang bewang ang lightweight belt makaraang matalo nito ang top contender na si Donald Cerrone at tapusin agad ang laban sa unang round pa lamang sa kanilang rematch noong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).

Irving ng Cavaliers, balik na sa paglalaro; Bulls, durog sa Knicks

Irving ng Cavaliers, balik na sa paglalaro; Bulls, durog sa Knicks

Maglalaro na muli ang isa sa kanilang star player na si Kyrie Irving sa nakatakdang laban ng koponan kontra Philadelphia 75ers ngayong Lunes (Linggo sa US) mula sa kanyang pagpahinga bunga ng injury sa tuhod noong nakaraang Hulyo.

Libranza, Arizala, weigh-in sa ‘Blow-by-Blow’

Kapwa nag weigh-in na sina undefeated Genesis Libranza ng MP Davao Stable at ang kalaban nito na si Renerio “Amazing” Arizala ng Manila noong Biyernes para sa naganap na laban nila kahapon sa Panabo gym, Panabo City.

Triathlon, sasabak din sa Rio Qualifier

Susubukan ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) na makasungkit ng silya kahit mahirap ang tsansa at gabuhok ang pagkakataon na makapagkuwalipika sa gaganapin na 2016 Rio De Janiero Olympics.

Donaire, gustong magkaroon ng rematch kay Rigondeaux

Noong nakalipas na linggo, nabawi ni Nonito Donaire Jr., ang kanyang world champion status makaraang makuha nito ang WBO super bantamweight title kontra kay Cesar Juarez ng Mexico sa naganap na laban sa Coliseo Roberto sa San Juan, Puerto Rico.

Pistons wagi sa 4 OT kontra Bulls

Pistons wagi sa 4 OT kontra Bulls

Nagtala si Andre Drummond ng 33-puntos at 21 rebound habang umiskor si Reggie Jackson ng kabuuang 31-puntos upang bitbitin ang Detroit Pistons kontra Chicago Bulls, 147-144, sa laban na inabot ng apat na overtime Biyerens ng gabi sa Chicago, Illinois.