Home » Archives by category » Sports (Page 587)
Racal at Pogoy, 2015 Pivotal Players

Racal at Pogoy, 2015 Pivotal Players

Nakatakdang bigyan ng parangal sina Kevin Racal ng Letran College at Roger Pogoy ng Far Eastern University (FEU) sa ipinakita nilang kabayanihan sa kanilang koponan sa finals ng kani-kanilang liga sa darating na UAAP-NCAA Press Corps at Smarts Sports Collegiate Basketball Awards na gaganapin sa Enero 26 sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills, San Juan City.

JRU women’s squad, malaki ang tsansa sa Final Four round

Umiskor ng 17puntos si Rosalie Pepito nabinubuo ng 13 hits, 3 blocks at 1 ace para pangunahan ang Jose Rizal University (JRU) sa paggapi sa Mapua, 25-18, 25-23, 25-16 at palakasin ang kanilang tsansang makapasok sa Final Four sa kauna-unahang pagkakataon sa NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Dating import ng TNT, planong kunin ni Cone

Kung papipiliin, nais ni coach Tim Cone ng koponang Barangay Ginebra na makuha bilang import si Marqus Blakely o si Denzel Bowles sa darating na PBA Commissioner’s Cup.

3 Pinoy netters, isasabak sa ITF Challenger

Pinagpipilian ng Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) ang posibleng pagsabak sa isasagawang $75,000 ITF ChallengeTournament na inaasahang dadayuhin ng pinakamahuhusay na manlalaro sa buong mundo simula sa Enero 15 hanggang 23 sa bagong gawang Rizal Memorial Tennis Center.

Pacquiao, asam ang WBO belt bago magretiro

Nilinaw ni eight-division world champion Manny Pacquiao na magreretiro na siya matapos hamunin si WBO welterweight champion Timothy Bradley sa kanilang ikatlong engkuwentro sa Abril 9 sa Las Vegas, Nevada.

All-Filipino Seven Eleven team, isasabak sa Langkawi?

All-Filipino Seven Eleven team, isasabak sa Langkawi?

Posibleng All-Filipino line-up ang isabak ng continental team Seven Eleven Road Bike Philippines sa kanilang nakatakdang pagsali sa Le Tour de Langkawi sa Pebrero 24-Marso 2.

Season-high nina Irving at Smith, susi sa panalo ng Cavs vs Raptors

Isang season-high 25puntos ang pinakawalan ni Kyrie Irving habang pumukol naman ng walong 3pointers para sa 24 marka si J.R. Smith upang magiting na pamunuan ang Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors, 122-100, sa Quicken Loans Arena Lunes ng gabi (Martes sa Pilipinas).

Perkins, Pessumal, agad makakaliskisan sa PBA D-League

Ang dalawang pangunahing rookie sa nakaraang PBA D-League draft ay agad na matutunghayan sa opener sa pagsalang ng first overall pick na si Jason Perkins na kinuha ng Caida Tiles kontra sa Tanduay Rhum kung saan naman lalaro ang 3rd overall pick na si Von Pessumal sa pagbubukas ng Aspirants’ Cup sa Enero 21, sa San Juan Arena.

TARGET 2-0

TARGET 2-0

Makapagposte ng mas mabigat na bentaheng 2-0 sa ginaganap na duwelo ang tatangkain ng Globalport sa muli nilang pagtutuos ng Alaska sa Game Two ngayong gabi ng best-of-7 semifinals series para sa 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Williams hindi nakalaro sa unang laban sa Hopman Cup

Williams hindi nakalaro sa unang laban sa Hopman Cup

Hindi lumaro sa kanyang opening match si Serena Williams para sa Hopman Cup dahil sa namamaga ang kaliwang tuhod nito na nakikitang isang maagang kabiguan para sa paghahanda sa pagdidipoensa ng kanyang titulo sa Australian Open.