Home » Archives by category » Sports (Page 1577)

Talk ‘N Text, aarangkada

Sa pakikipagtunggali ng Talk ‘N Text sa Star sa nag-iisang laro ngayong hapon ng 2016 PBA Philippine Cup na dadayo pa sa Lucena City, sa lalawigan ng Quezon ay aasamin nito na umangat sa ikalawang puwesto at maitala ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Amonsot, pinatulog ang Thai boxer sa 1st round

Patuloy ang pamamayagpag ng Filipinong boxer na si one-time world title challenger Czar Amonsot nang patulugin niya sa unang round si Thai welterweight Wiraphot Phaennarong kamakalawa ng gabi sa labang ginanap sa Melbourne, Victoria, Australia.

UST, tatargetin naman ang Finals

Ganito ang nais na tukuyin ni University of Santo Tomas Cameroonian center Karim Abdul matapos makamit ng Tigers ang unang twice-to-beat incentive makaraang talunin ang Adamson University 78-63 para isara ang kanilang elimination round campaign sa ginaganap na UAAP Season 78 men’s basketball tournament sa barahang 11-3, panalo-talo, noong Miyerkules ng hapon sa Araneta Coliseum.

Ceballos at Gonzaga, nais muling magpares sa Spike for Peace

Nakahandang maglaro muli para sa pambansang koponan sa beach volleyball si Fiola Ceballos ng Foton Tornadoes kung kukunin ang kanyang serbisyo ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) para maging kinatawan ng bansa sa “Spike for Peace” International Women’s Beach Volleyball tournament na inoorganisa ng Philippine Sports Commisison.

Nolte at Abelgas, palaban sa Subic Chessfest

Napanatiling malakas nina International Master Rolando Nolte at Roel Abelgas ang kampanya ng mga Pilipinong woodpushers sa pagpapatuloy ng kambal na torneo ng National Chess Federation of the Philippines (NCF) sa Subic Bay Metrpolitan Authority sa loob ng Olongapo City sa Zambales.

Kong, humakot ng 11 gold sa PNG Visayas leg

Tatlo pang gintong medalya ang idinagdag ni Michael Ichiro Kong sa kanyang koleksiyon kahapon upang kumpletuhin ang pagtatala ng perpektong 11-of-11 na pagwawagi sa lahat ng kanyang events sa swimming competition ng 2015 Philippine National Games (PNG) Visayas Qualifying Leg sa Evelio B. Javier Sports Complex dito sa lalawigan.

Warriors, naka-siyam na sunod

Nagtala si Stephen Curry ng 28 puntos habang nagdagdag si Andre Iguodala ng 20 puntos nang pantayan ng Golden State Warriors ang franchise record para sa most wins sa panimula ng season sa pamamagitan 100-84 panalo kontra Memphis Grizzlies.

National University: 13-0

Tinalo ng defending champion National University ang University of the Philippines, 87-39, upang makahakbang palapit sa asam nilang outright Finals berth sa UAAP Season 78 women’s basketball tournament sa Blue Eagle gym.

PANG-APAT

Ikaapat na panalo na magpapatatag sa kanilang solong pamumuno ang tatangkaing masungkit ng Rain or Shine sa kanilang pagtutuos ng Globalport sa tampok na laro ngayong gabi ng 2016 PBA Philippine Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Zambo Lifter, bumawi sa Antique PNG, Kong, may 8 ginto

Hindi pinanghinaan ng loob at konsentrasyon ang weightlifter na si Ma. Nika Francisco matapos na mabokya sa kanyang kampanya noong nakaraang taon tungo sa paghugot ng tatlong ginto sa ginaganap na 2015 Philippine National Games (PNG) weightlifting competition sa Evelio B. Javier Freedom Park, San Jose Antique.