Tinalo ni Saul “Canelo” Alvarez si Miguel Cotto sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang laban kahapon sa Mandalay Bay, Las Vegas.
Pinagharian ng St. Louis High School mula sa Baguio City at AMA-Quezon City ang dalawang nakatayang dibisyon sa naging maigting na kampeonato ng 1st Best Center-FIBA 3×3 basketball tournament sa Ateneo Blue Eagle Gym.
Kabuuang 12 kabataang atleta lamang ang isasabak ng Pilipinas sa 18 events sa athletics sa paglahok nito sa ika-7th edisyon ng kada taon na ASEAN Schools Games na gaganapin sa Bandar Seri Begawan, Brunei simula Nobyembre 21 hanggang 29, 2015.
Kapwa nakuha ni dating WBA at WBO super bantamweight world champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba at ex-interim WBA super flyweight titlist Drian Francisco ng Pilipinas ang timbang para sa 122 pounds division kaya tuloy ang kanilang HBO pay-pet-view bout sa Las Vegas, Nevada ngayon.
Kapwa asam ng Philippine Army at PLDT Home Ultera na magamit ang bentaheng twice-to-beat matapos magtala ng 1-2 finish upang ganap na maitakda ang pagtutuos nila para sa kampeonato ng Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference sa pagsalang ng mga ito sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa simula ng crossover semis.
Dalawang freethrows ang ipinasok ni Danica Jose upang isalba ang Ateneo, 65-62, kontra University of the East (UE), 65-62, upang makamit ang karapatang hamunin ang second seed La Salle kahapon sa stepladder semifinals ng UAAP Season 78 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Bigo mang umabot sa finals ang PLDT Home Ultera, naging konsolasyon naman para sa kanila ang pagkopo ng ace hitter na si Mark Gil Alfafara ng Conference MVP award sa Spikers Turf Reinforced Conference kahapon sa San Juan Arena.
Magamit ang taglay nilang bentaheng twice-to-beat upang pormal na makapasok sa finals ang tatangkain ng University of Santo Tomas (UST) sa kanilang paghaharap ng defending champion National University (NU) sa Final Four round ngayong hapon ng UAAP Season 78 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.