Home » Archives by category » Sports (Page 1554)
Pinoy boxer, nanalo via 1st round TKO sa Japan

Pinoy boxer, nanalo via 1st round TKO sa Japan

Umiskor ng panalo si Pinoy super featherweight Junar Adante via 1st round technical knockout (TKO) laban sa Hapones na si Hokuta Kanawa noong Sabado ng gabi sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Pampanga Foton, panalo kontra Mighty Bulsu, Manila NU-MFT

Tinalo ng Pampanga Foton ang Malolos Mighty Bulsu at Manila NU-MFT para maangkin ang solong pamumuno sa Filsports Basketball Association sa Malolos Sports and Convention Center.

Unang panalo ng Mindanao Aguilas sa DELeague

Nasungkit ng Mindanao Aguilas ang una nitong panalo matapos na biguin ang Our Lady of Fatima University (OLFU), 78-72, Martes ng gabi sa 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Cignal at Philips Gold, agawan sa liderato ng PSL Grand Prix

Cignal at Philips Gold, agawan sa liderato ng PSL Grand Prix

Mag-aagawan ang Cignal HD Spikers at Philips Gold Lady Slammers para makopo ang solong puwesto habang asam ng Foton Tornadoes ang ikalimang sunod na panalo kontra RC Cola- Air Force sa krusyal na labanan ngayong hapon sa ginaganap na 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball sa The Arena sa San Juan.

PUSO AT ‘DI PURO TALENT

PUSO AT ‘DI PURO TALENT

Aambisyunin ng Gilas Pilipinas na “abutin ang araw at buwan” na katumbas ng hangad nilang ma-qualify sa 2016 Olympic Qualifying Tournament kaya inaasahang pipiliin na ang pinakamahuhusay na manlalaro ng basketball para maging kinatawan ng Pilipinas.

Pacquiao, umaasang muli siyang kakasahan ni Mayweather

Pacquiao, umaasang muli siyang kakasahan ni Mayweather

Hindi naniniwala si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na nagretiro na si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., na tumalo sa kanya sa puntos at naniniwala siya na magkakaroon sila ng rematch sa 2016.

PIP, tinalo ang PCU sa DELeague

Tinalo ng Power Innovation Philippines ang Philippine Christian University (PCU), 70-67, Linggo ng gabi (Nobyembre 8 ) sa pagpapatuloy ng 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Cebu, 9 na ginto agad sa Antique PNG

Apat na gintong medalya ang agad iniuwi ni Michael Ichiro Kong habang tatlo kay Trina Cañeda sa kababaihan upang itulak ang powerhouse Cebu City sa liderato sa unang araw ng kompetisyon ng ginaganap dito na 2015 Philippine National Games (PNG) Visayas Qualifying Leg sa Evelio B. Javier Memorial Sports Complex.

Marquez at Morales, nagkontrahan sa Cotto-Alvarez bout

Naghiwalay ng landas sina Mexican multiple world champion Juan Manuel Marquez at Erik Morales sa nalalapit na WBC middleweight title bout ng kampeong si Miguel Angel Cotto ng Puerto Rico at kababayan nilang si ex-WBC light middleweight titlist Saul “Canelo” Alvarez na maghaharap sa Nobyembre 21 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Cardinal Tagle, dumalo sa PSA forum

Dumalo si Cardinal Luis Antonio Tagle sa forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kung saan ay isa siya sa mga naimbitahan bilang panauhing pandangal kasama si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia sa Shakey’s Malate, Manila kahapon.