Muling pinasaya ng Philippine Mavericks ang nagdagsaang home crowd habang ginulantang ni 14-time Grandslam champion Rafael Nadal ang torneo matapos tulungan ang Micromax Indian Aces sa pagtulak sa panalo kontra Obi UAE Royals sa ginaganap na International Premier Tennis League (IPTL) sa Mall of Asia Arena.
Muling naitala bilang topscorer si Rosalie Pepito para sa Jose rizal University (JRU) makaraang magtala ito ng 18-puntos upang pangunahan ang Lady Bombers sa 26-24 , 25-14, 25- 22 panalo kontra event host Letran sa pagpapatuloy ng NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena.
Sa kabila ng kanyang dinanas na dalawang sunod at halos kambal na pagkabigo, nananatiling optimistiko sa mga pangyayari ang dating La Salle ace spiker na si Aby Marano.
Iginiit ng Top Rank Promotions na hindi man para sa WBO super bantamweight crown ang sagupaan nina No. 1 Cesar Juarez ng Mexico at No. 2 Nonito Donaire ng Pilipinas ay dapat para sa interim title ito o final eliminator sa naghahabol sa korona na si dating kampeon na si Guillermo Rigondeaux ng Cuba.
Umaabot sa kabuuang P14-milyon ang nakatayang premyo na paglalabanan sa ika-98 edisyon ng Philippine Open na lilipat sa kauna-unahang pagkakataon sa Luisita Golf and Country Club sa Tarlac, Tarlac ngayong darating na Disyembre 17 hanggang 20.
Umaasa ang newly-crowned 78th UAAP men’s basketball champion Far Eastern University (FEU) na muling masusungkit ang korona sa susunod na edisyon sa kabila na anim na key player ang mawawala dahil sa graduation.
Umiskor si Kyle Lowry ng kabuuang 27-puntos habang nagdagdag si Terrence Ross ng 22 at si Bismack Biyombo ay nagtala ng career-high 15- puntos at 13 rebounds upang pigilan ang Toronto Raptors sa tatlong larong kabiguan sa pagpapataob nito sa Los Angeles Lakers sa 102-93 panalo nitong Lunes ng gabi.
Dumalo sa special session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate noong Lunes ang UAAP basketball team champion Far Eastern University (FEU) at si dating Mixed Martial Arts (MMA) champion Ana “The Hurricane” Julaton.
Ikawalong panalo na maglalagay sa kanila sa ituktok ng standings ang puntirya ngayong gabi ng San Miguel Beer sa pagsagupa nila sa NLEX sa tampok na laban sa 2016 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Inilista ni Gilas Pilipinas team coach Tab Baldwin ang dalawang bansa na halos siguradong lulusot sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa susunod na taon.