Home » Archives by category » Sports (Page 1551)

Rematch nina Pacquiao at Mayweather, posible pa —De La Hoya

Malaki ang paniniwala ni Golden Boy Promotions President Oscar De La Hoya na hindi totoong nagretiro na sa boksing si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. at muli nitong lalabanan si eight-division world titlist Manny Pacquiao.

Insentibo sa mga atleta, ayos na

Magkakaroon na ng maayos na pamumuhay ang mga atleta, tagasanay at mga manlalarong may kapansanan na nag-uwi ng medalya mula sa internasyunal na kumpetisyon makaraang maging ganap na batas ang National Athletes, Coaches and Trainers Benefit and Incentives Act.

Benosa, sasabak sa UCI MTB Championships

Sasabak ang dating national track at ngayon ay MTB rider na si Alvin Benosa sa isasagawang UCI Mountain Bike Marathon Championships sa Hunyo 25-26, 2016 sa Laissac, France.

Parks, opisyal ng nakapasok sa NBA

Parks, opisyal ng nakapasok sa NBA

Pormal ng ideneklara ng NBA D-League na Texas Legends ang pagkakapasok sa kanilang koponan ni Filipino-American player Bobby Ray Parks.

Referee ng PBA nasa ‘hot water’ nang pagsalitaan si LA Revilla ng Mahindra

Nagsampa ng reklamo ang koponan ng Mahindra laban sa isang opisyal ng PBA dahil umano sa mga masasamang salita na sinabi nito sa isa sa kanilang player nang maglaro ito kontra Alaska sa Dubai kamakailan.

Petron at Philips Gold, tabla

Tumabla ang defending champion Petron sa Philips Gold sa liderato ng 2015 PSL Grand Prix women’s volleyball tournament makaraang walisin ang Foton, 27-25, 25-23, 25-16 kahapon sa Spike on Tour na ginanap sa La Salle Sentrum gym.

Foton, maghihiganti sa Petron; Santiago Sisters, magkakasubukan

Mga laro ngayon sa De La Salle Sentrum, Lipa City 1 pm — Petron vs Foton 3 pm — Meralco vs RC Cola-Air Force Inaasahang magkakasukatan ng lakas at tibay ang dalawang pinakamainit na koponan na Foton Tornadoes at ang nagtatanggol na kampeong Petron Blaze Spikers sa tampok na salpukan sa 2015 Philippine Superliga (PSL) […]

Pacquiao PowerVit Pilipinas Aguilas, pinalitan na ng Pilipinas MX3 Kings

Ang koponan ng Pilipinas na dating kilala bilang Pacquiao PowerVit Pilipinas Aguilas ay tatawagin na ngayong Pilipinas MX3 Kings matapos na magkaroon ng bagong tagapagtaguyod ang MX3, isang natural food supplement na ipinamamahagi ng Living Tropical Fruiticeutical, Inc.

Pinay golfer, maraming alok na US scholarship

Pinay golfer, maraming alok na US scholarship

Ang salitang ito ay tumutugma kay Pauline Del Rosario na kagagaling pa lamang sa kanyang back-to-back na panalo sa Thailand makaraang maiuwi sa bansa ang pinakamatataas na parangal sa isinagawang Thailand Amateur Open sa Pattaya at Thailand Junior Amateur Open ay nakatanggap ito ng matinding regalo nang alukin ito ng scholarship mula sa mga nangungunang unibersidad sa United States.

FIBA, ipinagpaliban ang pagpili ng Olympic qualifier hosts

Ang sampung bansa, kabilang ang Pilipinas na naghahangad na maging punong-abala sa tatlong Olympic Qualifying Tournaments (OQT) sa Hulyo 2016 ay kinakailangang maghintay hanggang Enero upang madetermina kung sino ang napili at nabigyan ng International Basketball Federation (FIBA) ng hosting rights.