Halos isang buwan bago muling makabangon sa pagkakalugmok si UFC superstar Ronda Rousey at makapagbigay ng pahayag sa kanyang kabiguang natamo sa huli nitong laban kay Holly Holm sa UFC 193.
Sumandal ang Pampanga Foton sa clutch shooting ni Levi Hernandez upang mapataob ang Manila NU-MFT, 76-69, at makahakbang palapit sa inaasam na pag-angkin ng Filsports Basketball Association (FBA) Second Conference championship title sa pagsisimula ng kanilang finals showdown na ginanap sa Colegio de San Sebastian Gym sa San Fernando, Pampanga noong nakaraang Martes.
Patuloy pa rin ang pagliliyab ng Golden State Warriors na sumandig sa tila nag-aapoy na kamay ni Klay Thompson at tila walang pagkakamali sa paglalaro sa unang tatlong yugto upang panatiliin ang perpekto nitong rekord 23-0, panalo-talo.
Pinakaunang makatikim sa pagpapatupad ng kapapasa pa lamang na bagong batas na Athlete’s Incentive Law na itinaguyod ni Senador Sonny Angara ang delegasyon ng differently-abled athletes na inirepresenta ang Pilipinas sa katatapos lamang na 8th ASEAN ParaGames sa Singapore.
Uumpisahan na ng Centro Escolar University (CEU) ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pagbubukas ng Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) ngayong Sabado.
Malaking kabiguan para sa mga tagahanga nina Chi Lewis Parry at Filipino-American mixed martial arts (MMA) champion Brandon Vera dahil hindi matutuloy ang nakatakdang paghaharap ng dalawa sa heavy world championship bout sa na ONE Championships bukas, sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Bagaman nasa magkalaban na koponan ay hindi napigilan ang mga nirerespeto at kinikilalang mga kampeon sa mundo ng lawn tennis na sina Serena Williams at Rafael Nadal upang tila pagliyabin ang ginaganapang lugar ng International Premier Tennis League (IPTL) Martes ng gabi na Mall of Asia Arena.
Dalawang Pilipinong golfer ang nadagdag sa listahan ng mga pambansang atleta na lehitimong nakapagkuwalipika upang magtangkang iuwi ang pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa gaganaping 2016 Rio De Janeiro Olympics sa Brazil.
Ito ay ang mga propesyonal na golfer na sina Angelo Que at Jennifer Rosales.
Inihayag ni Senadora Grace Poe na tumatakbong independent candidate sa pagkapangulo para sa Halalan 2016, na ang pagpasok ng unang batch ng Grade 12 sa susunod na pasukan ay “magbubukas ng oportunidad para sa mas eksperiyensiyado at higit na maraming bilang ng estudyanteng atleta sa nangungunang mga liga gaya ng UAAP at NCAA.
Muling pinasaya ng Philippine Mavericks ang nagdagsaang home crowd habang ginulantang ni 14-time Grandslam champion Rafael Nadal ang torneo matapos tulungan ang Micromax Indian Aces sa pagtulak sa panalo kontra Obi UAE Royals sa ginaganap na International Premier Tennis League (IPTL) sa Mall of Asia Arena.