Home » Archives by category » Sports (Page 1529)

KIA, optimistiko sa kanilang tsansa

Ito ang siniguro ni Kia Forte coach Oliver Almadro sa kabila ng pagkakasadlak ng kanyang koponan sa dalawang magkasunod na talo sa ginaganap na Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference.

PSL, inihayag ang kalendaryo sa 2016

Hindi pa man natatapos ang taon ay nakahanda na agad ang isa pang mas matindi at puno ng aksiyon na taon ng women’s volleyball sa pagtuntong ng Philippine Superliga (PSL) sa ikaapat nitong taon sa 2016. Sinabi ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na ang inter-club league sa bansa ay magkakaroon ng punong-puno ng kalendaryo […]

GenSan at Saranggani, sali na sa PSC Laro’t Saya

Sisimulan na rin ang pampamilya at pangkomunidad na Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN program sa mga lugar ng General Santos City, Saranggani Province at Dasmariñas, Cavite bago matapos ang buwan ng Disyembre 2015.

Davao City, kampeon sa BP Mindanao Leg

Tinanghal na pangkalahatang kampeon ang Davao City matapos humakot ng gintong medalya sa natitirang laro sa pinakahuling araw ng kompetisyon ng 2015 Philippine National Youth Games (PNYG)-Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg sa iba’t ibang lugar ng host na Koronadal City.

Pinoy archers, lalaban sa Bangkok

Nakatakdang umalis ngayon ang mga miyembro ng national archery team upang lumahok sa idaraos na 19th Asian Archery Championships na gaganapin sa Bangkok Thailand.

Romeo, mas kumpiyansa na ngayon dahil sa Gilas

Ang paglalaro niya sa Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA Asia Championships ang nakapagbigay ng karagdagang kumpiyansa kay Globalport guard Terrence Romeo.

Aguilas, binigo ang Vampires sa ABL

Ipinaramdam ng Pacquiao Powervit Pilipinas Aguilas ang kanilang presensiya sa ASEAN Basketball League (ABL) nang ilampaso nila ang fellow rookie team na Mono Vampire Basketball Club ng Thailand, 79-78, noong Huwebes ng gabi sa gitna ng maraming manunuod sa University of Southeastern Philippines gym.

Cavaliers, tinalo ang Miami Heat

Cavaliers, tinalo ang Miami Heat

Nag-double effort talaga koponan ng Cleveland Cavaliers na talunin ang Miami Heat, 102-92, at hindi naman sila napahiya sa kanilang mga fan sa kanilang paglalaban noong nakaraang Sabado.

Umiskor ang beteranong guard na si Jayson Castro ng 28 puntos na sinegundahan naman ng free throw shooting ng bagong backcourt tandem niyang si Jai Reyes upang matulungan ang Talk ’N Text na matalo ang Mahindra, 101-97, sa Smart Bro PBA Philippine Cup kagabi, sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

Iligan City mermaid, pitong ginto sa Batang Pinoy swimming

Winalis ni Aubrey Bermejo ang nilahukang pitong event upang tanghaling prinsesa sa ginaganap na 2015 Philippine National Youth Games (PNYG) – Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg swimming competition sa South Cotabato Sports Complex.