Hindi tatawaging global sports icon si eight-division world champion at Saranggani Representative Manny Pacquiao kung wala siyang pinatunayan sa kanyang larangan.
Si Olympic champion boxer Howard Davis Jr., na nakamit ang 1976 gold medal at kinilala ng US teammate na si Sugar Ray Leonard bilang “Most Outstanding Fighter” sa Montreal Games, ay binawian na ng buhay noong Miyerkules (Huwebes sa Pilipinas) sa kanyang tirahan sa United States dahil sa sakit na kanser.
Kahit gaganapin ang laban sa Thailand, muling haharapin ni dating IBF light flyweight champion Johnreil Casimero ang sobrang gulang na si Thai IBF flyweight titlist Amnat Ruenroeng sa unang bahagi ng taong 2016.
Sa ikatlong pagkakataon, muling maglalaban sina 8-division world champion Manny Pacquiao at American WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 9, 2016 na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.
Patutunayan ni Filipino amateur standout at WBO No. 4 contender Vic Saludar na handa na siyang maging kampeong pandaigdig sa paghamon sa walang talong si WBO minimumweight titlist Japanese Kosei Tanaka sa Enero 31 sa Aichi Prefectural Gym sa Nagoya, Japan.
Buwisit na si Top Rank promoter sa pagbitin ni eight-division titlist Manny Pacquiao sa pag-anunsiyo kung sino ang lalabanan niya sa Abril 9, 2016 sa Las Vegas, Nevada lalo na ang ginagawang pakikipagnegosasyon ng tagapayo nitong si Michael Koncz para ikasa ang Filipino boxing icon kay WBA light welterweight titlist Adrien Broner.