PAPANGUNAHAN ni Philippine whiz kid Bonjoure Fille Suyamin ng Del Rosario Christian Institute mula General Trias City, Cavite ang mga finalist sa GM Eugene Torre Cup Elementary & High School Chess Championship sa Mayo 18 sa Mapua Gym, Intramuros, Manila.
APAT pang koponan ang magsisimula ng kanilang kampanya ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa Paco Arena sa lungsod ng Manila.
TINANGHAL na hari ang 1BATAAN Risers sa first leg ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup, matapos igupo ang Pasig Grindhouse Kings, 19-18, sa Finals nitong Sabado sa SM Megamall Events Center sa Mandaluyong.
SISIMULAN na ang duwelo para sa kampeonato ng UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa pagitan ng National University at Ateneo de Manila ngayong hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
INUNGUSAN ng Adamson University ang University of Santo Tomas sa loob ng limang sets, 33-31, 23-25, 16-25, 25-15, 16-14, sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa men’s division ng UAAP Season 81 volleyball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay.
PATUNGO sa Maynila para sa pangakong bakasyon at pamamaysal ang Talaingod girls volleyball team – ang kampeon sa Mindanao leg ng Batang Pinoy.
Tiyak na papasok sa WBO world rankings si Dave Peñalosa makaraang tatlong beses mapabagsak at magwagi via 4th round TKO kay Mexican knockout artist Marcos Cardenas para matamo ang bakanteng WBO Oriental featherweight title kamakalawa ng gabi sa SM City North EDSA Skydome sa Quezon City.
HATAW ang Team Joola sa isa pang dominanteng laro para bokyain ang Philippine Army, 3-0, nitong Sabado para makasikwat ng semifinal slots sa Men’s Team Open division ng 9th Flexible Cup International Table Tennis Championships sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.
MAS maraming kabataan ang maiangat ang buhay sa sports ang target ng Quezon City Basketball League (QCBL) para sa susunod na mga conference.