Home » Archives by category » Opinyon » SENTIDO KOMUN (Page 41)

Nahirati sa pagsawsaw

SA kabila ng paniniyak ng Duterte administration na ang pagsasabatas ng P3.7 trillion 2018 General Appropriation Act (GAA) ay makapagpapaangat sa ekonomiya ng bansa at makapagpapaigi sa pamumuhay ng sambayanan, umalma ang ilang mambabatas na naniniwalang nasagasaan ang kani-kanilang ‘pet projects’. Ibig sabihin, mistulang kinaltas sa naturang pambansang badyet ang pork barrel na nakaukol sa mga Senador at Kongresista.

Pamana ni Tata Rico

NGAYONG Disyembre, hustong 107 taong-gulang na sana si Tata Rico, ang aming ama, kung siya ay nabubuhay pa. Buwan ding ito nang siya ay sumakabilang-buhay sa edad na 95.

Bagsik ng kalikasan

HINDI pa man humuhupa ang bagsik ni ‘Urduja’ pagkatapos ng limang landfall nito sa iba’t ibang panig ng kapuluan, isa na namang bagyo na pinangalanang ‘Vinta’ ang nagbabadyang manalasa sa bansa.

Simbolo ng kapayapaan

BAGAMAT hindi ko nasilayan ang Marawi City nang ito ay winawasak ng digmaan, nababanaagan at nauulinigan ko naman ngayon, sa pamamagitan ng mga ulat, ang tinatawag na “sights and sounds of rehabilitation” ng naturang siyudad.

MAKATAONG PAGDAKILA

MAAARING ipagkibit-balikat ng marami, subalit ang mga hayop, lalo na ang mga aso, ay dapat pahalagahan sa lahat ng pagkakataon, lalo na ngayong ipinagdiriwang ang World Animals Day. Hindi kailanman maaaring maliitin ang kanilang madamdamin at kapaki-pakinabang na kaugnayan sa ating araw-araw na pamumuhay.

BALIMBINGAN FESTIVAL NAMAN

NOONG kasagsagan ng presidential polls, nalantad ang pagkukumahog ng tinaguriang mga political butterfly sa paglipat sa iba’t ibang lapian; basta iniiwan na lamang ang dati nilang sinusuportahang partido at lumilipat sa inaakala nilang magwawagi sa halalan; pansariling kapakanan ang pangunahing isinasaalang-alang.