Home » Archives by category » Opinyon » SENTIDO KOMUN (Page 3)
Sa krus na landas

Sa krus na landas

SA biglang pag-uwi ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa matinding banta ng nakamamatay na COVID-19 pandemic, naniniwala ako na bigla rin nilang nadama na sila ay nakayapak sa krus na landas, wika nga. Ibig sabihin, nais nilang itanong sa sarili: Babalik pa kaya kami o hindi na?

Larawang hindi nagsisinungaling

Larawang hindi nagsisinungaling

Nakakintal pa sa ating utak hanggang ngayon ang laging sinasambit-sambit ng isang sikat na photo journalist: “Hindi nagsisinungaling ang mga larawan.” Totoo, maliban na lamang kung ang mga ito ay nireretoke o pinakikialaman upang magamit sa isang tiwaling transaksiyon.

Sa paggulong ng katarungan

Sa paggulong ng katarungan

WALANG hindi inalihan ng matinding pagkagitla sa naganap na shootout o pagpatay sa apat na sundalo na kinabibilangan ng dalawang opisyal na kapuwa nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA). Sinasabing sangkot sa karumal-dumal na pagpatay ang siyam na pulis sa isang checkpoint sa isang bayan sa Jolo na umano’y binagtas ng naturang mga kawal.

Lalo pang dapat paigtingin

Lalo pang dapat paigtingin

NAKASISINDAK ang bilang ng ating mga kababayan na dinadapuan ng nakamamatay na COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa mahigit na 41,000 — at patuloy pang nadadagdagan. At lalong nakakikilabot ang dumarami ring pumapanaw dahil sa naturang coronavirus o mikrobyo na walang humpay sa pamiminsala sa sangkatauhan — sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sila lang ba ang mga bayani?

Sila lang ba ang mga bayani?

HINDI ko maaaring palampasin ang isang pagkakataon na halos lahat ng ating mga kababayan ay dumadakila sa mga health care frontliners na mistulang nagbubuwis ng buhay sa pangangalaga sa ating mga pasyente. Mismong si Pangulong Duterte ang paulit-ulit na bumigkas ng saloobing nagmumula sa kanyang puso: Saludo ako sa inyong lahat. Maliwanag na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi ang mga doktor, narses, at iba pang health workers na magkakatuwang sa isang dakilang misyon: Kaligtasan ng mga may karamdaman, lalo ang mga dinapuan ng nakamamatay na COVID-19 na ngayon ay nakaratay sa iba’t ibang ospital sa kapuluan.

Pag-iingat na inihudyat ng palahaw

Pag-iingat na inihudyat ng palahaw

BAGAMAT sa telebisyon ko lamang natunghayan, damang-dama ko ang tindi ng pagdadalamhati at nakatutulig na palahaw ng isang ginang: Nakasuot na damit lamang ang aming nailigtas. Tinig ito ng isang ina ng tahanan na nasunugan kamakailan sa Las Piñas, sa aking pagkakatanda, samantalang sila ay sinasabing nakikiisa sa enhanced community quarantine (ECQ). Kaakibat ng naturang palahaw — pahiyaw na panganib na may himig pagmamakaawa — ang paghingi ng saklolo sa administrasyon sa sinapit nilang trahedya.

Buhay-bilanggo, pamuksa ng COVID-19

Buhay-bilanggo, pamuksa ng COVID-19

ANUMAN ang sabihin ng sinuman, ako — at maaaring ang halos lahat ng ating mga kababayan — ay mistulang buhay-bilanggo sa ating mga bahay. Nangangahulugan na tayo ay hindi dapat lumabas habang nasa kasagsagan ang implementasyon ng lockdown hindi lamang sa Metro Manila o National Capital Region kundi sa buong Luzon — mula sa Region 1 hanggang Region V o Bicol Region. Kaugnay ito ng utos ni Pangulong Duterte: Enhanced Community Quarantine (ECQ). Kaakibat ito ng paulit-ulit niyang pakiusap, sa halos lahat ng sektor ng mga mamamayan: Stay Home o manatili sa mga tahanan upang masugpo o mapigil ang paglaganap ng nakamamatay na sakit.

Masasakim sa gitna ng krisis

Masasakim sa gitna ng krisis

Nakapanlulumong masaksihan na sa kabila ng tila hindi humuhupang agamagam at panganib na likha ng COVID-19, nasasaksihan pa rin natin ang manaka-naka subalit masakim na pagnenegosyo ng ating mga kababayan.

Pagkamakabayan, kapakumbabaan

Pagkamakabayan, kapakumbabaan

SA gitna ng walang pag-ugong ng mga tagubilin hinggil sa pag-iingat sa kinatatakutan at nakamamatay na COVID-19 na gumigiyagis hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong daigdig, nais ko namang sariwain ang dalawa sa maraming katangian ni Presidente Ramon F. Magsaysay — pagkamakabayan at kapakumbabaan o humility; mga katangian na naging bahagi ng aking personal na obserbasyon noong siya ay nabubuhay pa bilang ika-7 pangulo ng ating Republika.

Magkabalikat sa balikatan

Magkabalikat sa balikatan

NANG tuldukan ni Pangulong Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA), gusto kong maniwala na ang naturang desisyon ay isang malaking kawalan sa gobyerno, lalo na nga sa ating Armed Forces of the Philippines (AFP). Hindi maaaring maliitin ang makabuluhang mga karanasan at kaalaman na natatamo ng libu-libong kawal ng ating bansa na laging kaagapay ng mga sundalong Kano na lalahok sa taunang Balikatan exercises kaugnay ng VFA. Bukod sa PH at US troops, paminsan-minsan ding lumalahok ang mga sundalo ng iba’t ibang bansa na tulad ng Australia.