Home » Archives by category » Opinyon » SENTIDO KOMUN (Page 2)
Lalo pang paigtingin

Lalo pang paigtingin

SA kabila ng sinasabing ‘flattening of the curve’ o pagbaba ng bilang ng mga dinadapuan ng nakahahawang coronavirus, hindi tayo dapat maging kampante — lalo na ang mga kinauukulang health authorities na naghahanap ng solusyon at lumalaban sa nasabing pandemya. Manapa, lalo nating paigtingin ang implementasyon at pagtupad sa mahihigpit na tagubilin upang ganap na masugpo ang paglaganap ng nakamamatay na COVID-19.

Makabuluhang pagpupugay

Makabuluhang pagpupugay

SA ating walang katapusang pagpupugay sa kabayanihan ng mga healthcare frontliners, nais kong bigyang-diin na hindi ito isang pagmaliit sa kagitingan ng ating mga dakilang ninuno noong nakaraang mga digmaan. Katunayan, minsan pa nating gugunitain ang kanilang katapangan sa pagdiriwang sa makalawa o sa Lunes ng National Heroes’ Day; minsan pa nating iwawagayway ang mga bandilang Pilipino na simbolo ng katapangan ng ating mga war heroes sa pagtatanggol ng ating kasarinlan.

Manatiling magkakatuwang

Manatiling magkakatuwang

SA implementasyon ng bagong quarantine status — ang General Comunity Quarantine (GCQ) — sa lahat halos ng sulok ng kapuluan, ang pagpapalawak ng kapasidad sa mga establisimiyento ay natitiyak kong makapagpapatighaw sa ating paghihirap. Lalo na ngayong hindi humuhupa ang matinding banta ng kinatatakutang coronavirus; bagkus, lalo pang dumadami ang dinadapuan nito, lalo na sa Metro Manila o National Capital Region (NCR).

Kahit na may lockdown

Kahit na may lockdown

Dapat lamang asahan ang ibayong paghihigpit sa pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), lalo na ngayon na ang Pilipinas ang nangunguna sa Asya sa pinakamaraming tinamaan ng nakamamatay na COVID-19. Mistulang lalong nalumpo ang iba’t ibang larangan ng pagnenegosyo, kabilang na ang pagpapatigil sa halos lahat ng uri ng transportasyon. Tayo ay mistula pa ring mga bilanggo sa ating mga tahanan.

Talamak sa katakawan?

Talamak sa katakawan?

Saaking pagsubaybay sa Senate hearing kaugnay ng sinasabing talamak na anomalya sa PhilHealth, hindi ko napigilang naibulalas: Talamak nga ba ang katakawan? Isipin na lamang na umugong sa Senado: 15 bilyong piso ang umano’y kinulimbat ng binansagang ‘mafia’ sa naturang ahensiya ng gobyerno.

Buhay o hanapbuhay

Buhay o hanapbuhay

HALOS kasabay ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) at sa iba pang kalapit na mga lalawigan, lumutang din ang magkakasalungat na pananaw hinggil sa palubhang problema sa COVID-19 pandemic. Higit na nakararami ang pumapanig — at may iba’t ibang sektor din ng sambayanan ang matinding tumutuligsa — sa bagong direktibang ito ng Duterte administration.

Pamuksa ng mikrobyo

Pamuksa ng mikrobyo

Sa gitna ng tila hindi humuhupang banta na COVID-19, nagkukumagkag pa rin ang ating mga dalubhasang medical researchers at mga siyentipiko sa pagtuklas ng bakuna at gamot laban sa naturang nakamamatay na mikrobyo. Natitiyak ko na ganito rin ang tindi ng pananaliksik ng mga henyo sa medisina sa iba’t ibang bansa na sinasalanta ng pandemya. Mistula silang nag-uunahan at nagpapaligsahan sa paghahanap ng lunas sa pagpuksa ng naturang coronavirus na kumitil na ng maraming buhay.

Inagawan ng kalayaan

Inagawan ng kalayaan

DAHIL sa pagdami ng mga iginugupo ng salot na COVID-19 sa New Bilibid Prison (NBP) — at maaaring sa iba pang bilangguan at detention cell sa ating bansa — marapat lamang na lalong pabilisin ngayon ang pagpapalaya sa mga preso na itinuturing na ‘persons deprived of liberty’ (PDL). Ibig sabihin, kailangang lumuwag ang mga bilangguan upang maiwasang mahawa at makapanghawa ang mga bilanggo na masyado na ang pagsisiksikan sa mga selda. Bunga nito, hindi nababawasan kundi lalo pang lumulobo ang ating mga kababayang dinadapuan ng mikrobyo na ikinamamatay ng ilan sa kanila.

Panatilihing ligtas sa alingasngas

Panatilihing ligtas sa alingasngas

HALOS kasabay na nadama ng mga magsasaka sa buong kapuluan — kabilang na ang mga kapuwa magbubukid sa Nueva Ecija — ang kambal na biyaya tungo sa ibayong pagsulong ng produksiyon ng palay at iba pang pananim. Ang naturang mga benepisyo ay pinausad ng gobyerno sa kabila ng nappipintong mga bagyo at iba pang kalamidad na laging nanalasa sa ating mga bukirin; lalo na ngayon na nagparamdam na ang mga kalamidad na bahagi ng mahigit na 20 bagyo na namiminsala sa bansa taon-taon.

Interpretasyong hindi pinag-isipan

Interpretasyong hindi pinag-isipan

PALIBHASA’Y laging sinasagilihan ng matinding agam-agam dahil sa tila hindi tumitigil na pagdami ng mga dinadapuan ng nakamamatay ng COVID-19, ikinatuwa ko ang panukalang bahay-bahay ng paghahanap ng mga positibo sa naturang sakit o pandemya. Ang nasabing may mga karamdaman — batay sa mga impormasyong magmumula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) — ay dadalhin sa mga quarantine ward upang lapatan ng lunas.