SA paghaharap-harap ng iba’t ibang bansa sa Paris, France, sa huling bahagi ng buwang ito para sa United Nations Conference on Climate Change, sisikapin nilang magkaroon ng kasunduan kung ano ang magagawa ng bawat bansa upang mapigilan ang mga pagbabago sa pandaigdigang klima na sinisisi sa ilan sa labis na nakapipinsalang mga kalamidad sa nakalipas na mga taon.
ANG Universal Children’s Day ay itinatag ng United Nations (UN) noong 1954 upang hikayatin ang iisang pag-unawa at malasakit sa mga bata at lumikha ng mga hakbangin upang itaguyod ang kapakanan ng mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo. Ginugunita ito tuwing Nobyembre 20, ang araw na tinanggap ng UN ang Declaration of the Rights of the Child noong 1959 at nilagdaan ang Convention on the Rights of the Child noong 1989.
Pumasok si Jesus sa patyo ng Templo at pinalayas ang mga nagtitinda, at sinabi niya: “Nasusulat, ‘Magiging bahay-dalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!”
DALAWAMPU’T anim na taon na ang APEC. Napakatagal na palang nagpupulong ng 21 lider ng iba’t ibang bansa. Ngunit hanggang ngayon ay marami pa ring nagtatanong, partikular na ang ordinaryong mamamayan, kung ano at para saan ba ito? Wala silang gaanong nauunawaan kung ano ang APEC at kung anu-ano ang mga tinatalakay nila sa kanilang pagpupulong o pagtsitsismisan.
GALIT ang buong France sa kahindik-hindik at hindi makataong pag-atake ng mga teroristang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa ilang lugar sa Paris na ikinamatay ng mahigit 200 katao at ikinasugat naman ng iba pa.
WALANG hindi naniniwala na ang kasumpa-sumpang ‘tanim-bala’ modus – at ang iba pang mga katiwalian at kapalpakan sa kasalukuyang pamamahala – ay masusugpo lamang ng marahas ngunit angkop na aksiyon ni Presidente Aquino. Wala nang katapusan ang mga naturang isyu na labis nang ikinababahala ng sambayanan, lalo na ng ating mga bayaning Overseas Filipino Worker (OFW) na nag-aatubili nang umuwi sa ‘Pinas.
SA WAKAS, makalipas ang ilang buwan ng pagpaplano at paghahanda, matapos ang mga protesta at batikos sa pangangasiwa sa trapiko na nagresulta sa paglalakad nang kilo-kilometro ng libu-libong papasok sa trabaho, makaraang kanselahin ang daan-daang biyaheng panghimpapawid at magdeklara ng no-sail at no-flight zones, pagkatapos na paigtingin ang seguridad kasunod ng mga pag-atake sa Paris, nagsimula na kahapon ang 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa Philippine International Convention Center.
NOBYEMBRE 4, 2015 nang manumpa sa tungkulin si Justin S. Trudeau, ang ika-23 Prime Minister ng Canada. Pinangunahan niya ang Liberal Party sa pagtatagumpay sa federal election nitong Oktubre 19, napanalunan ang 184 sa 338 puwesto, isang 150-seat gain, na may 39.5 porsiyento ng boto, para sa isang malakas na gobyerno. Bukod sa pinaboran ng Atlantic Canada at Toronto, napanalunan din ng kanyang partido, sa unang pagkakataon, ang mayorya ng 40 puwesto sa Quebec.
Nang malapit na siya sa Jerusalem at kita na ang lungsod, iniyakan ito ni Jesus: “Kung nalalaman mo lamang sana sa araw na ito ang daan sa kapayapaan! Ngunit ngayo’y hindi mo ito nakikita. Sasapit sa iyo ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, kukubkubin ka at sisikilin sa lahat ng dako. Iguguho ka nila sa iyong mga anak, at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.”