Home » Archives by category » Opinyon (Page 890)

TAMANG BINAWI ANG CONDONATION

NAPAGPASIYAHAN na ang kasong idinulog ng Ombudsman laban sa Court of Appeals (CA) ukol sa suspension ni dating Makati City Mayor Jun-jun Binay. Kaya nagtungo ang Ombudsman sa Supreme Court ay dahil nag-isyu ang CA ng temporary restraining order (TRO) na pipigil sa Ombudsman na pairalin ang kautusan na nagsususpinde sa dating alkalde ng anim na buwan. Ayon sa Ombudsman, hindi dapat nakialam ang CA dahil preventive suspension pa lang ito. Ang layunin lamang nito, aniya, ay pansamantalang alisin sa puwesto ang dating alkalde upang hindi maimpluwensiyahan ang resulta ng kanyang imbestigasyon laban dito. Iniimbestigahan kasi ng Ombudsman ang dating alkalde ukol sa maanomalyang pagpapagawa ng Makati City Hall Building II.

SAMU’T SARI

Bilyun-bilyong salapi ang natanggap na tulong ng iba’t ibang bansa para rito. Ang kabuuang tulong ay hindi nakarating sa mga biktima.

TIGILAN NA ANG PAGTURING DITO BILANG ‘ISOLATED CASES’

DALAWANG buwan na ang nakalipas matapos dukutin ng Abu Sayyaf ang dalawang Canadian, isang Norwegian, at isang Pilipina mula sa isang beach resort sa Island Garden City of Samal sa pusod ng Davao Gulf. Sa panahong ito, minaliit ng tagapagsalita ng Malacañang ang kidnapping bilang “a very isolated case.”

NBI SA IKA-79 NA TAON: MAHUSAY NA PAGPAPATUPAD NG BATAS PARA SA KATOTOHANAN AT KATARUNGAN

IPINAGDIRIWANG ng National Bureau of Investigation (NBI), ang pangunahing sangay sa pagsisiyasat ng gobyerno, ang ika-79 na anibersaryo nito ngayon Nobyembre 13. Nasa ilalim ng Department of Justice, ang NBI ay isang “mahalagang kasangga sa pagtataguyod ng katotohanan at katarungan”.

Kar 13:1-9 ● Slm 19 ● Lc 17:26-37

Kumakain sila at umiinom, nag-aasawa ang mga lalaki at mga babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha na pumuksa sa lahat. Tulad sa panahon ni Lot: kumakain sila at umiinom, nagtitinda at namimili, nagtatanim at nagtatayo.

HOLIDAY NG MGA YAGIT

“HAPPY days are here again.” Ito karaniwang sinasabi ng mga tao tuwing nag-aabang sa pinakahihintay nilang araw. At para sa kanila, ang araw na ito ay papalapit na nang papalapit.

DAGOK SA PNP

KUNG hindi pinapatay ay sinasaktan at pinoposasan. Maliwanag na ito ang kinasasadlakan ngayon ng ating mga kapatid sa media. Kamakailan lamang, hindi iisang reporter ang pinatay; kamakalawa, isa namang radio correspondent ang sinasabing nilapastangan ng isang pulis sa Marikina City. At tila paulit-ulit na ang ganitong nakapanggagalaiting sistema laban sa ating mga kapatid sa propesyon.

PRES. XI JIN-PING

KUMPIRMADONG dadalo si Chinese President Xi Jin-ping sa 23rd Asia Pacific Economic Cooperation Summit na gaganapin sa Maynila sa Nobyembre 17-19. Sana ay makapag-usap sila ni Pangulong Noynoy Aquino kahit walang naka-iskedyul na formal bilateral meeting ang dalawang Pangulo upang kahit papaano ay mapag-usapan ang isyu tungkol sa West Philippine Sea (South China Sea). Anong malay natin, baka matauhan ang presidente ng bansang may 1.3 bilyong populasyon upang maunawaan ang posisyon at situwasyon ng maliit na bansa tulad ng Pilipinas!

SALVADOR LAUREL

KUNG taimtim ang iyong paniniwala sa katarungan ng simulaing isinusulong, pananagutan mong gawin ang lahat sa buhay upang mahalal at maipatupad ang tanging hangarin para sa bayan. Ito ang buod ng binitawang mungkahi na naging gabay ng yumaong Senador Ninoy Aquino. Kung tumalima lang sana si Salvador “Doy” Laurel sa payo ng kababata at ka-“brod” sa fraternity, tiyak hindi ganito ang naging kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Pagkatapos ng Martial Law sa pagbuka ng mga talulot ng kalayaan.

ISANG NAPAKAGANDANG BALITA PARA SA MGA KAWANI NG GOBYERNO

ISANG napakagandang balita ang inihayag ni Pangulong Aquino nitong Lunes. Isang panukalang batas ng administrasyon ang inihain sa Kongreso para itaas ang suweldo ng mga kawani ng gobyerno. Layunin ng panukalang Salary Standardization Law IV na itaas ang suweldo ng mga kawani ng gobyerno upang puwede nang makipagsabayan sa kinikita ng nasa pribadong sektor.