Home » Archives by category » Opinyon (Page 889)

Dn 12:1-3 ● Slm 16 ● Heb 10:11-14, 18 ● Mc 13:24-32

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Sa panahong iyon, pagkatapos ng kagipitang ito, magdidilim ang araw, hindi na magbibigay ng liwanag ang buwan, malalaglag ang mga bituin mula sa Langit at magigimbal ang buong sanlibutan. At makikita nilang ‘dumarating sa mga ulap ang Anak ng Tao’ na may Kapangyarihan at ganap na Kaluwalhatian. Ipadadala niya ang mga anghel para tipunin ang mga pinili mula sa apat na sulok ng daigdig, mula sa silong ng Langit.

KATAPUSAN NG MUNDO

Dahil sa sobrang kaba ng isang batang lector na unang beses nagbasa ng Salita ng Diyos sa isang misa at sa harap ng maraming tao, hindi niya sinasadyang masabi na: “This…this is the end of the world” (sa halip na word). At sumagot ang mga tao ng: “Thanks be to God!”

‘PATAY NA’

TANDISANG ipinahiwatig ng isang pangunahing tagapagtaguyod ng Freedom of Information (FOI) bill: “Patay na” sa Kamara ang naturang panukalang-batas. Nangangahulugan na magluluksa na rin ang mamamayan, lalo na ang mga miyembro ng media, dahil sa pagkamatay ng makapangyarihang sandata laban sa mga katiwalian sa gobyerno.

KINAHIHIYA ANG KAHIRAPAN

NALALAPIT na ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting na nakatakdang idaos sa ating bansa. Inaasahang dadalo ang mga pinuno at iba pang matataas na tao mu;a sa iba’t ibang bansa. Kaya naman ibayong paghahanda ang ginagawa ng ating gobyerno. Parang isang may-ari ng bahay na may inaasahang natatanging bisita. Nililinis ang buong bahay at ang paligid nito. Lahat ng mga bagay na hindi maganda sa paningin ng makakakita ay inaayos o inaalis na ang layunin ay maging kapuri-puri at kahanga-hanga ang daratnan ng bisita.

NOBENA-MISA PARA KAY SAN CLEMENTE

SA pagdiriwang ng kapistahan ng mga bayan sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa Pilipinas ay bahagi na ang pagbibigay-buhay at pagpapahalaga sa mga tradisyong namana sa mga ninuno na nag-ugat na sa kultura ng mamamayan.

ISANG MAS EPEKTIBONG PROGRAMA UPANG TULUNGAN ANG MGA WALANG TIRAHAN

BINATIKOS ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa plano nitong magkaloob ng P4,000 sa bawat isa sa 4,071 pamilyang walang bahay sa Metro Manila upang makaupa ng matutuluyan sa susunod na anim na buwan hanggang isang taon. Layunin nitong itaboy sila mula sa kalsada sa buong panahon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) conference na idaraos dito sa susunod na linggo.

WORLD DIABETES DAY: PAGKAIN NG MASUSTANSIYA, DIET, EHERSISYO

TAUN-TAONG ginugunita ang World Diabetes Day (WFF) tuwing Nobyembre 14 upang isulong ang kamulatan sa diabetes, ang pag-iwas dito, mga panganib, mga komplikasyon, at ang pangangalaga at gamutan ng mga pasyente nito. Itinakda ng United Nations ang petsang ito noong 2007 upang ipagdiwang ang kaarawan ng manggagamot na Canadian na si Frederick Banting na, kasama ng kanyang estudyanteng si Charles Best, ay nakatuklas sa insulin noong 1921.

Kar 18:14-16; 19:6-9 ● Slm 105 ● Lc 18:1-8

“Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob”— Ito ang sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sa isang talinhaga. Sinabi niya: “Sa isang lungsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa tao.

10 MILYONG PINOY, WALANG TRABAHO

AYON sa Social Weather Stations (SWS), aabot sa 10 milyong Pilipino ang kasalukuyang walang trabaho o naghahanap ng trabaho.

AKLAN PIÑA, APEC POWER DRESS

TELANG Piña ng Aklan, ang kakaibang hibla mula sa Aklan, ang magiging pangunahing materyales para sa Barong Tagalog na susuotin ng mga lider at kani-kanilang mga asawa na dadalo sa 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit Nobyembre 18 hanggang 19 sa Maynila kung saan ang Pilipinas ang magiging punong-abala.