Home » Archives by category » Opinyon (Page 888)

HABAGAT AT AMIHAN

SA buhay nating mga Pilipino, tayo ay nakararanas ng panahon ng tag-araw at tag-ulan. Sa mga nasabing panahon, dalawang uri ng hangin ang nagsasalitan sa ating bansa. Ito ay ang Habagat at Amihan. Tag-ulan kung sumapit ang Habagat na kung tawagin sa Ingles ay Southwest monsoon na nagmumula sa dakong timog-kanluran. Sinasabi ng iba nating kababayan na ang Habagat ay may dalang hilagyo o biyaya na ang tinutukoy ay ang taglay nitong malakas at mahinang pag-ulan. Kapag naging madalas na ang ulan na dala ng Habagat, napupuno na ng ulan ang dating tigang at bitak-bitak na linang sa bukid.

MAIGTING NA SEGURIDAD SA APEC, KAILANGAN KASUNOD NG MGA PAG-ATAKE SA PARIS

ANG magkakasabay na pag-atake ng mga terorista sa Paris, France, na ikinamatay ng 129 na katao ay awtomatikong nagtaas sa alerto ng seguridad para sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) Leaders’ Summit na idaraos sa Huwebes at Biyernes sa Maynila.

1 Mac 1:10-15, 41-43, 54-57, 62-63 ● Slm 119 ● Lc 18:35-43

Nang malapit na si Jesus sa Jerico, may isang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, itinanong niya kung bakit. At may nagsabi sa kanya: “Sina Jesus na taga-Nazaret ang dumaraan.”

MGA NATATANGI, TUNAY, AT POSITIBONG KAUGALIAN NG MGA PILIPINO

ANG Nobyembre ay Filipino Values Month, alinsunod sa Proclamation No. 479 na ipinalabas noong Oktubre 7, 1994, upang lumikha ng kamulatang moral at pambansang pagpapahalaga sa mga kaugalian sa bansa na natatangi, tunay, at positibong maka-Pilipino.

NALALABING ORAS SA MUNDO

Kamakailan lamang ay ginunita natin ang ikalawang anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon ‘Yolanda,’ na itinuturing na pinakamabagsik na bagyo na tumama sa ating bansa, na kumitil ng halos 10,000 buhay. Nauna rito ang kapistahan ng Araw ng mga Santo at kaluluwa.

PAGTATAPOS NG YEAR OF THE POOR

KAPANALIG, nitong Nobyembre 11 hanggang 14 ay ipinagdiwang ang pagtatapos ng Year of the Poor ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Ang Year of the Poor ay ang pagtutupad ng gampanin at pakikiisa ng Simbahang Katoliko sa maralita.

MGA BIGATING LEADER SA APEC

NAKATAKDANG dumalo sa 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ang mga bigating leader ng mga makapangyarihang bansa sa daigdig na gaganapin sa Maynila sa Nobyembre 18-19. Kabilang dito sina US Pres. Barack Obama, Prime Minister Dmitry Medvedev na hahalili kay Russian Pres. Vladimir Vladimirovich Putin, Chinese Pres. Xi Jinping, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, Indonesian Vice President Jusuf Kalla na hahalili naman kay Indonesian Pres. Joko Widodo, Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at iba pa.

KUKURYENTEHIN NA NAMAN SA PAGBABAYAD

KAPANSIN-PANSIN tuwing tag-araw at “ber” months partikular na sa Nobyembre at Disyembre ay nagtataas ang Manila Electric Company (Meralco) ng singil sa kuryente. Katulad ngayong Nobyembre, matapos ang anim na magkakasunod na buwan na pagbaba ng singil sa kuryente, ibinalita ng Meralco na tataas ang singil nila sa kuryente sa mga residential customer. Papatak na ito ng P0.13 sentimos per kilowatt hour ( kWh). Ang dahilan at paikot ng Meralco na katwiran din nila noon ay: “Bunga ito ng pagtaas ng generation charge.” Sa kabila umano ng taas-singil na ito sa kuryente, ang over all rate ngayong Nobyembre ay nananatiling pangalawa sa pinakamababa mula noong Enero 2010.

KAISA NG MGA LUMAD ANG SIMBAHAN SA PANANAWAGAN PARA SA KATARUNGAN

SA pagpapakita ng pakikiisa sa mga katutubong Lumad na nagkampo sa Liwasang Bonifacio, nakibahagi si Luis Antonio Cardinal Tagle, arsobispo ng Maynila, sa kanilang protesta nitong Miyerkules. Suot ang isang katutubong putong sa ulo na ibinigay sa kanya ng mga raliyista, suot ng cardinal ang simpleng damit niya bilang pari nang magpakuha ng litrato kasama ang mga katutubo na nakasuot naman ng makukulay nilang native costume. Ngunit walang dudang kaisa nila si Tagle sa kanilang apela para sa kapayapaan at katarungan.

KING’S DAY SA BELGIUM

NAGBIBIGAY-PUGAY ngayon ang mga Belgian sa kanilang Hari at sa Royal Dynasty sa pagdiriwang nila ng “King’s Day” o “King’s Feast”. Ipinagdiriwang ang King’s Day sa Belgium simula noong 1866. Una itong ipinagdiwang bilang pagbibigay-pugay kay King Leopold I (1790-1865), na unang hari ng Belgium kasunod ng paglaya ng bansa mula sa Netherlands noong 1831. Noong una ay tinawag na “Day of Dynasty” o “Feast of Dynasty”, ang terminong “King’s Day” ay ginawang opisyal matapos na ipalabas ng gobyerno ang isang circular noong 1953.