Home » Archives by category » Opinyon (Page 885)

NANGANGANIB ANG KANDIDATURA NI POE

SA botong 5-4, ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case na isinampa ni Rizalito David laban kay Sen. Grace Poe sa pagka-senador. Ang limang kumatig kay Poe ay ang mga kapwa niya senador na kasapi ng SET na sina Sen. Pia Cayetano, Sen. Sotto, Sen. Villar, Sen. Legarda at Sen. Bam Aquino. Ang apat na bumoto laban sa kanya, maliban kay Sen. Nancy Binay, ay ang tatlong mahistrado ng Korte Suprema na sina Senior Associate Justice Carpio, Brion at De Castro na pawang mga bihasa sa larangan ng batas.

ISTORBO, SAKIT NG ULO AT NALUGING AIRLINES

TINATAYANG umabot sa $2 bilyon ang ikinalugi ng airlines industry sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 Leaders’ Summit sa Maynila dahil sa kanselasyon ng mahigit 1,000 flight ng lokal at dayuhang eroplano, kabilang ang private aircrafts at chartered planes na nakatakda sanang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ilang milyong piso ito kung tutuusin? Bukod dito, gumastos daw ang PNoy administration ng P20 bilyon para sa APEC.

MAKITID NA PAG-IISIP

KATULAD ng orihinal na balakin, ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) forum, na kinaaaniban ng 21 ekonomiya ng apat na kontinente – Asia, North at South America at Europe – na iniuugnay-ugnay ng malawak na Pacific Ocean, ay nananatiling nakatuon sa kooperasyong pang-ekonomiya at kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapasigla ng kalakalan at kaugnay na mga bagay-bagay para sa kaunlaran.

MAKATUTULONG TAYO SA PAGLALAHAD NG MGA IDEYA UPANG MAIBSAN ANG MATINDING EPEKTO NG CLIMATE CHANGE

SA paghaharap-harap ng iba’t ibang bansa sa Paris, France, sa huling bahagi ng buwang ito para sa United Nations Conference on Climate Change, sisikapin nilang magkaroon ng kasunduan kung ano ang magagawa ng bawat bansa upang mapigilan ang mga pagbabago sa pandaigdigang klima na sinisisi sa ilan sa labis na nakapipinsalang mga kalamidad sa nakalipas na mga taon.

UNIVERSAL CHILDREN’S DAY: ‘TREASURE OUR CHILDREN’

ANG Universal Children’s Day ay itinatag ng United Nations (UN) noong 1954 upang hikayatin ang iisang pag-unawa at malasakit sa mga bata at lumikha ng mga hakbangin upang itaguyod ang kapakanan ng mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo. Ginugunita ito tuwing Nobyembre 20, ang araw na tinanggap ng UN ang Declaration of the Rights of the Child noong 1959 at nilagdaan ang Convention on the Rights of the Child noong 1989.

1 Mac 4:36-37, 52-59 ● 1 Kro 29 ● Lc 19:45-48

Pumasok si Jesus sa patyo ng Templo at pinalayas ang mga nagtitinda, at sinabi niya: “Nasusulat, ‘Magiging bahay-dalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!”

26 NA TAONG ANIBERSARYO NG EPEC

DALAWAMPU’T anim na taon na ang APEC. Napakatagal na palang nagpupulong ng 21 lider ng iba’t ibang bansa. Ngunit hanggang ngayon ay marami pa ring nagtatanong, partikular na ang ordinaryong mamamayan, kung ano at para saan ba ito? Wala silang gaanong nauunawaan kung ano ang APEC at kung anu-ano ang mga tinatalakay nila sa kanilang pagpupulong o pagtsitsismisan.

ELECTION ‘GUN BAN’

MAY panawagan kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista. Sa napipintong simula ng kampanya para sa halalan 2016 at ang kaakibat na “gun ban” o pagbabawal sa pagdadala at paggamit ng baril dahil suspendido lahat ng permit, ilang kinatawan sa iba’t ibang hanay sa ating lipunan ang lumapit upang sana ay madinig ang kanilang dighay at masolusyunan ang problema.

GALIT ANG FRANCE SA ISIS

GALIT ang buong France sa kahindik-hindik at hindi makataong pag-atake ng mga teroristang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa ilang lugar sa Paris na ikinamatay ng mahigit 200 katao at ikinasugat naman ng iba pa.

LIP SERVICE

WALANG hindi naniniwala na ang kasumpa-sumpang ‘tanim-bala’ modus – at ang iba pang mga katiwalian at kapalpakan sa kasalukuyang pamamahala – ay masusugpo lamang ng marahas ngunit angkop na aksiyon ni Presidente Aquino. Wala nang katapusan ang mga naturang isyu na labis nang ikinababahala ng sambayanan, lalo na ng ating mga bayaning Overseas Filipino Worker (OFW) na nag-aatubili nang umuwi sa ‘Pinas.