Home » Archives by category » Opinyon (Page 784)

MAGULO LANG

“HINDI ba naaayon sa Saligang Batas,” tanong ni Justice Marvic Leonen sa abogado ni Sen. Grace Poe, “na lumikha ng doktrina ang korte na hayaan muna ang taumbayan ang magpasya at tayo ang huling magdedesisyon kung sakaling magkaroon ng kaso?”

PANLILIBANG

NATITIYAK ko na walang hindi nasisiyahan sa sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng mga produkto ng langis, lalo na ngayon na patuloy naman ang pagdami ng nagugutom at ng mga walang hanapbuhay. Ang rollback ay bunsod ng biglang pagbaba ng presyo ng inaangkat na langis sa pandaigdigang pamilihan.

ILLEGAL DRUGS

TALAGANG mahirap sugpuin ang paglaganap ng ilegal na droga sa ating bansa kung mismong mga militar at pulis ay sangkot sa gawaing ito. Noong isang araw, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang suspected shabu laboratory sa Maynila, dakong 1:00 ng madaling araw. Nagulat sila dahil natagpuan nila sa lugar ang dati nilang hepe.

AGARAN AT MAHALAGANG PAGDEDESISYON ANG KINAKAILANGAN SA MGA KASONG MAY KINALAMAN SA ELEKSIYON

BAGO pa nagkaroon ng automated elections sa bansa, ang pag-iimprenta ng Commission on Elections (Comelec) ng mga balota ay isa lamang simpleng bagay. May espasyo sa balota para sulatan ng botante ng pangalan ng kanyang kandidato sa pagkapangulo, isa pang espasyo para sa napipisil niyang bise presidente, 12 espasyo para sa mga senador, isa para sa kongresista, at isang espasyo para sa ibobotong party-list group.

‘TITA CORY’: ICON NG DEMOKRASYA

GINUNITA si dating Pangulong Corazon C. Aquino kahapon, Enero 25, sa ika-83 anibersaryo ng kanyang kapanganakan, dahil sa kanyang pamana ng katapatan, integridad, pagiging marespeto, kasimplehan, at pagmamahal sa pamilya na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino hanggang sa ngayon.

2 Tim 1:1-8 [o Ti 1:1-5] ● Slm 96 ● Lc 10:1-9 [o Mc 3:31-35]

Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin n’yo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo.

ANIBERSARYO NG MAMASAPANO MASSACRE

GINUGUNITA ngayong ika-25 ng Enero ang unang anibersaryo ng Mamasapano massacre. Sa malagim at madugong pagkamatay ng 44 na SAF (Specal Action Force ) commando ng Philippine National Police (PNP) noong madaling araw ng Enero 25, 2015. Nangyari ang kakila-kilabot na engkuwentro nang ilunsad ang “Oplan Exodus”, isang operasyon para madakip ang dalawang international terrorist na sina Basit Usman at Zalkipi bin Hit alyas “Marwan”. Napatay si Marwan matapos ang sagupaan na tumagal ng walong oras. Matatandaan na ang madugong sagupaan ay nangyari sa kasagsagan ng talakayan sa Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kamara at sa Senado. Nahinto ang pagtalakay sa BBL dahil sa Mamasapano massacre. Sa ngayon, sabunot na ito sa panot at suntok sa buwan kung mapagtitibay pa sa Kongreso.

HINDI PARA SA BAYAN

HINIRANG ni Pangulong Noynoy Aquino si Secretary Alfredo Benjanim Caguioa ng Department of Justice (DoJ) bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema. Pinalitan niya si Associate Justice Martin Villarama, Jr. na nagretiro nitong Enero 16. Si Caguioa ay isa sa limang inirekomenda ng Judicial Bar Council (JBC) sa Pangulo. Kasama niya sa JBC shortlist sina Presiding Justice Andres Reyes, Jr. at Associate Justice Jose Reyes, Jr. at Apolinario Bruselas.

PONDO NG RH KINATAY NA

“TAPOS ang kay Mundong Ilaw!” sigaw ng mga naghihintay na customer sa barberyang suki ako. “Lalong lalaki ang ating populasyon,” dugtong ng isang costumer.

KAPAYAPAAN ANG ISUSULONG NI JAPANESE EMPEROR AKIHITO SA PAGBISITA SA PILIPINAS

MAGBIBIYAHE ang may edad nang si Emperor Akihito ng Japan patungo sa Pilipinas ngayong linggo upang bumisita sa mga memorial ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang huli sa mga paglilibot niya para sa kapayapaan na taliwas sa paninindigan ng gobyerno ng Japan.