Home » Archives by category » Opinyon (Page 773)

HINDI NA NATUTO

TAUN-TAON, paulit-ulit ang mga pangyayari at kasaysayan: Nasabugan ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon. Mga namatay dahil sa ligaw na bala o kaya’y atake sa puso sa labis na pagkain ng masasarap, matataba, maaalat at matatamis na nakahain sa hapag-kainan.

WANTED: ISANG PROGRAMA NA MAGKAKALOOB NG TRABAHO SA MAMAMAYAN

SA pagpuri sa ating mga overseas Filipino worker (OFW) sa mahalaga nilang papel sa pagsulong ng ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng kanilang remittances, nakalilimutan natin ang malungkot na kuwento ng mga OFW—ang pagtatrabaho sa isang dayuhang bansa, malayo sa pamilya at mga kaibigan, ay nagdudulot ng matitinding problema at pagdurusa sa mga Pilipino sa ibang bansa.

PAGBABALIKBAYAN NG KABATAANG NANINDIGAN SA SPRATLYS LABAN SA CHINA

NASA 50 kabataang Pilipino ang bumalik nitong Linggo mula sa isang malayong isla ng Pilipinas sa South China Sea (West Philippine Sea), na roon sila nagdaos ng isang-linggong kilos-protesta laban sa pag-angkin ng China sa pinag-aagawang karagatan.

1 Jn 4:7-10● Slm 72 ● Mc 6:34-44

Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.

HINDI LUNAS

AYON sa Department of Health (DoH), ang bilang ng mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon ay bumaba ng 53%. Mas mababa, aniya, ng 53% kaysa sa naitalang kaso noong 2015, at mas mababa kumpara sa naitalang 5-year average. Ganoon pa man, isinusulong ng DoH ang pagbabawal na sa mga paputok.

POPE FRANCIS AT PNOY SA MEDIA

Sa kanyang maikling homilya na pinakinggan ng 10,000 mananampalataya sa tradisyunal na “Te Deum” vespers service ng pasasalamat sa St.Peter’s Basilica, sinabi ni Pope Francis na ang nagdaang taon ay binalot ng trahedya: “There has been violence, death, unspeakable suffering by so many innocent people, refugees forced to leave their countries, men, women and children without homes, food or means of support”. Bagamat hindi niya tuwirang tinukoy, kabilang sa mga salarin ng kapayapaan at pagkakaisa, ay ang ISIS na ginagamit pa ang pangalan ni Allah gayong karahasan at kamatayan ang kanilang dala-dala.

15 MARTIR NG BICOLANDIA

SA kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas, lalung-lalo na sa panahon ng Himagsikan, ang mga kababayan natin ay naghanap ng kalayaan upang malagot ang tanikala ng mahabang panahong paninikil at pananakop. Sa paghahanap ng kalayaan, nagbuwis ng buhay, dugo, at sakripisyo ang ating mga ninuno at mga bayani. Naging bahagi ng ating kasaysayan na hindi nalilimot gunitain at bigyang-pugay ang kanilang kamatayan at kabayanihan. Sa Cavite, mahirap nang malimot ang pagka-makabayan at kabayanihan ng 13 martir na higit na nakilala sa tawag na Trece Martires ng Cavite. Sila ang mga dakilang Pilipino na ang kagitingan at kabayanihan ay isang inspirasyon ng pagmamahal sa bayan.

PINAY DH, GINUGUTOM?

MAHIGIT isang linggo na ring lumabas ang balita tungkol sa pagpapagutom o hindi pagpapakain ng Singaporean employer sa isang domestic helper (DH). At sinubukang kalimutan ng kolumnistang ito ang naturang balita, ngunit ang usig ng konsensiya ay ayaw magpatahimik.

INAASAHANG MAGPAPATULOY: KAKAUNTI NA LANG ANG NASUGATAN SA PAPUTOK SA BISPERAS NG BAGONG TAON

GAYA ng nakalipas na mga pagsalubong sa Bagong Taon, maraming biktima ng sunog, ligaw na bala, at paputok ngayong taon. Gayunman, iniulat ng Department of Health (DoH) na pinakakakaunti ang naitalang nasugatan sa paputok ngayong taon.

1 Jn 3:22—4:6● Slm 2 ● Mt 4:12-17, 23-25

Nang marinig ni Jesus na dinakip si Juan, lumayo siya pa-Galilea. Hindi siya tumigil sa Nazaret, kundi sa Capernaum nanirahan, sa may baybayin ng lawa ng Galilea, sa teritoryo ng Zabulon at Neftali.