Home » Archives by category » Opinyon (Page 739)

MALAGIM AT KASUMPA-SUMPA

MALAGIM at kasumpa-sumpa ang ginawang pag-atake ng umaaming Islamic State o IS sa Paris. Sa isang iglap, 129 na katao ang nasawi, 350 ang sugatan at 100 sa mga ito ay kritikal. Isa itong kasumpa-sumpang aksiyon ng mga taong walang pagpapahalaga sa kapwa at walang kinikilalang Diyos.

KRISTIYANISMO, AYAW SA KARAHASAN

ANG Kristiyanismo marahil ang pinakamabait, makatao at maunawaing relihiyon sa buong mundo. Ang paniniwalang ito ay sumagi sa aking isipan kasunod ng kahila-hilakbot na pag-atake at walang habas na pamamaril ng walang kaluluwang mga kasapi ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Bataclan na may rock concert noon, stade (stadium), at Paris cafe na kinaroroonan ng mga tao upang mag-enjoy sa kanilang Friday Night.

DAPAT NANG MAGHANDA ANG PARIS SA MALAKING CLIMATE CONFERENCE

KAHIT na alipin pa rin ng takot at kawalang katiyakan ang Paris dahil sa mga pag-atake sa siyudad nitong Biyernes, kailangan na nitong paghandaan sa susunod na 12 araw ang pagbubukas ng 21st Conference of the Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP 21). Kapuri-puring isipin na ang isang komperensiyang kasing halaga ng COP 21 ay maidadaos pa rin sa kabila ng mga nangyari. Hindi naman maaaring lagi nang nangangamba sa kanilang kaligtasan ang mga dadalo sa mga sesyon ng napakahalagang pandaigdigang pulong.

NATIONAL DAY NG LATVIA

NGAYON ay National Day ng Latvia. Sa araw na ito noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, natamo ng Latvia ang kalayaan nito mula sa pananakop ng Russia. Ito rin ang araw na kinikilalang Proclamation of the Republic of Latvia, o “Latvijas Republikas Proklamesanas Diena”. Ang proklamasyon ng kalayaan na ginawa ng People’s Council of Latvia ay naganap sa makasaysayang gusali na nagsisilbing tahanan ngayon ng National Theater sa Riga. Ang National Day ng Latvia ay ipinagdiriwang sa pagdaraos ng mga kapistahan sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang ang isang nationally televised address sa mamamayan ng Pangulo ng Republika ng Latvia. Sa nakalipas na mga taon, ang talumpating ito ay inilahad sa harap ng nangagtipong mamamayan sa plaza ng Freedom Monument sa Riga.

Gawa 28:11-16, 30-31● Slm 98●Mt 14:22-33 [o 2 Mac 7:1, 20-31, Slm 17, Lc 19:11-28]

Malapit na si Jesus sa Jerusalem at akala ng mga taong kasama niya’y agad na ipakikita ang Kaharian ng Diyos. Kaya sa kanilang pakikinig ay isa pang talinhaga ang inilahad ni Jesus sa kanila. Sinabi niya: “May isang maharlikang tao na pumunta sa malayong lupain para mahirang na hari at saka siya babalik. Tinawag niya ang sampu niyang katulong at binigyan sila ng tig-iisang baryang ginto at sinabi sa kanila: ‘Ipagnegosyo n’yo ito hanggang sa aking pagbalik.’…

PAGPAPAIKLI

KUNG sasagila sa administrasyon ang tunay na diwa ng habag at malasakit, nakatitiyak na ang milyun-milyong Social Security System (SSS) pensioners ng P2,000 dagdag sa kanilang buwanang pensiyon. Lagda na lamang ni Presidente Aquino ang hihintayin upang maging batas ang panukala hinggil sa naturang dagdag na biyaya na walang kagatul-gatol na inaprubahan ng mga Kongresista at Senador.

PAGKILALA SA SANGGUNIANG BAYAN NG JALAJALA

BILANG pagkilala sa maayos at mahusay na paghaharap at pagpapatibay ng mga municipal ordinance at resolution para sa kapakanan ng bayan at kabutihan ng mamamayan at laluna sa pangangalaga sa kapaligiran, ang Sangguniang Bayan ay gagawaran ng 2015 Local Legislation Award (LLA) ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region IV-A Calabarzon. Sa isang liham mula kay DILG Region IV-A Director Renato L. Brion, ipinaaabot kina Jalajala Mayor Narcing Villaran at Vice Mayor Elmer C. Pillas na ang Sanggunian Bayan (SB) ng Jalajala ay kabilang sa napiling Outstanding Sangguniang Bayan sa Region IV-A, at pagkakalooban ng 2015 LLA.

HINDI PALA MATAPANG

“HINDI ako tumatakbo sa laban.” Ito ang bukambibig ni Manila International Airport Authority (MIAA) Chief Gen. Honrado sa mga panayam sa kanya tungkol sa mga balang nakikita sa bagahe ng mga sasakay na sana ng eroplano. Para bang ang problemang ito, na nagdudulot sa ating bansa ng kahihiyan, ay isyung patapangan. Na ang reklamo ng mga pasaherong nilalagyan ng bala ang mga bagahe ay bintang lamang laban sa kanya at sa mga empleyado ng MIAA, na ang hangarin ay siraan siya. Subalit nang talakayin ng Senado ang bintang na “tanim bala” at isa si Honrado sa mga resource person, nawala ang kanyang tapang nang tanungin na siya ng mga senador.

‘TANIM BALA’, GAWA NG MGA KALABAN NI PNOY

MAY nagbibiro na kaya raw umatras sina Russian President Vladimir Putin at Indonesian President Joko Widodo sa pagdalo sa 2015 APEC Leaders’ Summit ay dahil sa takot na baka sila ma-“tanim bala” sa NAIA. Hindi naman siguro ganoon. Si Putin ay abala sa problema sa pagbagsak ng isang Russian airliner na ikinamatay ng mahigit 200 tao, samantalang si Widodo ay problemado sa haze na bumabalot sa kanyang bansa.

MULING NAKATUTOK ANG MUNDO SA SYRIA MATAPOS ANG MGA PAG-ATAKE SA PARIS

HINDI magandang pangitain na muling tinututukan ng mundo ang Syria, matapos matuklasan na isa sa mga suspek sa pag-atake sa Paris ay isang Syrian. Ang bakas ng naputol na daliri na natagpuan sa Bataclan concert hall, na roon pinagbabaril ang mahigit 100 concert goer, ay natunton ng files ng pulisya na pag-aari ng isang Syrian na isinilang sa mahirap na komunidad sa Paris na Courcouronnes.