Home » Archives by category » Opinyon (Page 737)

DIVINE MERCY, PAG-ASA NG MGA desperado

MAY istoryang ibinahagi ang yumaong si Pope John Paul II. Noong nabubuhay pa, binisita niya ang isang malaking kulungan sa Rome. Habang nakikipag-usap sa ilang bilanggo, may isa sa kanila ang lumapit sa kanya at sinabing “Father, mapapatawad ba ako sa aking mga nagawang kasalanan?” Marami kasi itong kinasangkutang krimen. Masuyo siyang hinagkan ng Papa, at iyon na ang kasagutan. Ang eksenang iyon ay katulad ng isang ama na pinatawad ang kanyang nagkasalang anak sa Prodigal Son.

UNITED STATES, EUROPA, AT NGAYON… PAKISTAN

NAIBA ang anggulo ng mga teroristang pag-atake sa mundo sa pagsabog na pumatay sa 72 katao sa Lahore, Pakistan, nitong Linggo ng Pagkabuhay, Marso 27. Noon, ang mga pag-atake ng mga Islamist extremist ay sa mga bansa lamang sa Kanluran—partikular na sa Paris, France noong Nobyembre, at sa Brussells, Begium, nitong Marso 22. Sa harap ng mga pag-atake, pinaigting ng United States—ang kauna-unahang nabiktima ng matinding suicide attack sa pagwasak at pagpapaguho sa Twin Towers ng World Trade Center noong Setyembre 11, 2001—ang seguridad sa lahat ng siyudad nito, partikular na sa New York City at Washington, DC.

LINGGO NG DAKILANG AWA NG DIYOS

NGAYON ay Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Divine Mercy. Ang taunang selebrasyong ito ng “Pista ng Awa” ay itinakda ni Saint John Paul II sa pagdedeklara bilang santo kay Sister Faustina noong Abril 30, 2000, sa bisa ng isang dekrito na nakasaad ang: “Throughout the world the Second Sunday of Easter will receive the name Divine Mercy Sunday, a perennial invitation to the Christian world to face, with confidence in divine benevolence, the difficulties and trials that mankind will experience in the years to come.”

Gawa 5:12-16 ● Slm 118 ● Pag 1:9-11a,12-13,17-19 ● Jn 20:19-31

Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad

PRACTICAL UNBELIEVERS BA TAYO?

MAY isang college student na pinag-aaralan ang mga likha ng 19th century German thinker na si Friedrich Nietzche, na kilala sa kanyang litanyang “God is dead,” na isinulat sa isang palikuran ng eskuwelahan at ito ay kanyang nilagdaan ng Nietzche.

KAARAWAN NI FRANCISCO BALAGTAS

SA kasaysayan ng Panitikang Pilipino, ang ika-2 ng Abril ay isa sa mahahalagang araw sapagkat ginugunita at ipinagdiriwang ang kaarawan ni Francisco Balagtas—ang kinikilalang prinsipe ng mga makata at sinasabing unang tunay na makata at propagandistang Pilipino. Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Balagtas, nangunguna lagi ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), tampok ang “Kampo Balagtas” na lalahukan ng mga mag-aaral sa Grade 7 hanggang Grade 10 mula sa iba’t ibang rehiyon.

MASUWERTE SI CAYETANO

SA huling survey ng Social Weather Station (SWS), nagtabla na sina Senadora Grace Poe at Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo. Naniniwala ang mga gumawa ng survey na ang pag-angat ng senadora mula sa kanyang dating pwesto ay dahil sa pagkakatagumpay niya sa mga disqualification case. Sumunod sa kanila si VP Binay at si Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas na nasa ikaapat na puwesto pa rin.

KABIG NG PUSO, DIBDIB, AT ISIPAN

NANG ipahayag ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kanyang suporta kina Sen. Grace Poe at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., pinutakti siya ng batikos na nakalundo sa kanyang tahasang pagtalikod sa United Nationalist Alliance (UNA). Ang naturang lapian ay tulung-tulong na binuo nina Erap, Vice President Jejomar Binay at Sen. Juan Ponce Enrile para sa 2016 presidential elections.

PAULIT-ULIT NA SULIRANIN

ANG isang probisyon ng batas na panghalalan na hindi ganap na naipatutupad ay ang limitasyon sa pagkakabit ng campaign materials ng mga kandidato. Batay sa Electoral Reforms Law of 1987, Republic Act 6646, maaari lamang ilagay ng mga kandidato ang kani-kanilang campaign materials sa mga common poster area o sa bahay o campaign headquarters ng kandidato.

US AT CHINA, MANGUNGUNA SA MGA BANSANG MAGKAKAISA SA PAGLAGDA SA PARIS CLIMATE CHANGE AGREEMENT

Kinumpirma ng dalawang bansa nitong Huwebes na lalagda sila sa climate change agreement na binuo sa Paris, France, sa seremonya sa New York sa Abril 22.