Home » Archives by category » Opinyon (Page 734)

ANG IKA-69 NA ANIBERSARYO NG PHILIPPINE RED CROSS

IPINAGDIRIWANG ng Philippine Red Cross (PRC), ang pangunahing humanitarian organization ng bansa at isa sa pinakamatatatag na Red Cross Societies sa mundo, ang 69 na taon ng pagkakaloob ng ginhawa, rehabilitasyon, pagliligtas, at pangangalaga sa mga pinakanangangailangan, hindi lang sa bansa, kundi maging iba pang bansa na sinalanta ng kalamidad, ang huli ay noong 2015, matapos yanigin ng malakas na lindol ang Nepal.

Gawa 8:26-40 ● Slm 66 ● Jn 6:44-51

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa Mga Propeta: ‘tuturuan nga silang lahat ng Diyos.’ Kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin.

TANDISANG PAGPAPABAYA

NAkatutuwang mabatid na dahil sa kahabag-habag na kalagayan ng ilang senior citizens at PWDs (persons with disabilities), hindi kumukupas ang pagpapahalaga sa kanila ng iba’t ibang sektor ng sambayanan, lalo na ng kani-kanilang mga kaanak; lalong tumitindi ang pagpapadama sa kanila ng habag at malasakit na laging may kaakibat na pag-unawa.

ANG ISYU NG PABAHAY

SA 4th Philippines Property Awards nitong Abril 7, 2016, tinanggap ko ang Real Estate Personality of the Year award mula sa Property Report, ang nangungunang magazine sa Asya sa larangan ng mamahaling pabahay, arkitektura at disenyo.

PNOY, AALIS NA SA MALACAÑANG

INIHAYAG ng tanging binatang Pangulo ng Pilipinas na siya ay nag-eempake na upang lisanin ang Malacañang. Mga ilang linggo na lang ang pananatili niya sa kanyang trono sa Palasyo na nasa tabi ng Ilog-Pasig. Sa Hunyo 30, iiwan na niya ang kapangyarihan upang isalin ito sa bagong mahahalal na pangulo. Sana naman ay tuparin mo Mr. President, ang pangakong ikaw ay mag-aasawa na.

TAXI DRIVER NA HOLDAPER

NAKAKAHIYA! Iyan ang angkop na salita upang ilarawan ang ilan sa mga taxi driver ngayon. Sa kasalukuyan, halos lahat ng kabulastugan ng isang naghahanap-buhay ay nakakapit na sa ilang taxi driver. At dalawang nakalulungkot na pangyayari ang kinasangkutan ng ilang tiwaling driver.

CLARK: PROGRAMA PARA SA SUSUNOD NA ADMINISTRASYON

SIMULA 2011 hanggang 2013, tinaglay ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kuwestiyonableng titulo na “Worst Airport in Asia” sa isang survey sa mga biyahero batay sa kani-kanilang karanasan sa mga paliparan sa iba’t ibang panig ng mundo. Tinukoy ng mga pasahero ang hindi maayos na serbisyo, mahahabang pila, palpak na shuttle service sa pagitan ng mga terminal, kawalan ng sapat na palikuran, at matataong seating area. Nagsagawa na ng mga rehabilitasyon sa pasilidad sa nakalipas na mga taon, kaya naman noong 2015, ang titulo bilang pinakamasamang paliparan sa buong Asya ay napunta sa Islamabad Benazir Bhutto International Airport sa Pakistan.

MASIGASIG NA PAG-AARAL UPANG LIMITAHAN ANG PAG-IINIT NG MUNDO

MAGLULUNSAD ngayong linggo ang mga pangunahing climate scientist sa mundo ng isang pag-aaral kung paano lilimitahan sa 1.5 degrees Celsius (2.7 Fahrenheit) ang pag-iinit ng planeta, bagamat karamihan sa kanila ay nagpahayag ng duda na kakayanin pang maabot ang nasabing antas.

Gawa 8:1b-8 ● Slm 66 ● Jn 6:35-40

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin. Pero sinabi ko sa inyo: Nakita na ninyo at hindi kayo naniniwala.

VP BINAY AT SEN. MARCOS

HIGIT na presidentiable ang debate nitong Linggo sa pagitan ng mga kumakandidato sa pagka-pangalawang pangulo kaysa natapos nang dalawang debate ng mga kumakandidato sa panguluhan. Sa debate kasing ito ay higit na naliwanagan ng mga manonood kung ano ang kani-kanilang posisyon sa mga isyung mahalaga sa taumbayan. Malaking bagay kung naggagalangan ang mga nagdedebate kahit nagbabatikusan sila, dahil higit na pumapailanlang dito ang mga ideya at katwiran. Ganito ang nangyari sa debate ng vice-presidentiables.