Home » Archives by category » Opinyon (Page 708)

MAPAGBIGAY: TANDA NG TUNAY NA KRISTIYANO

Ilang taon na ang nakalipas, may isang graduate mula isang Katolikong paaralan ang naimbitahan ng Catholic organization. Siya ay tinanong: “Anu-ano ang mahahalagang Gawain para tumibay ang relasyon mo sa Diyos?”

BAROMETRO

NAGING negative 36% na ang approval rating ni Pangulong Noynoy Aquino, ayon sa SWS survey. Nang mag-umpisa siyang manungkulan, siya ay may 80% na ‘di hamak na napakataas kaysa mga sinundan niyang pangulo. Napakalaki kasi ng tiwala ng taumbayan na maisusulong niya ang pagbabago sa kanyang kampanyang “Matuwid na Daan”. Pero, habang nagtatagal siya sa panunungkulan, dumadausdos ang kanyang approval rating hanggang sa lumagapak na nga ito sa negative 36%.

DNA TESTING

KAAKIBAT ng patuloy na pag-ugong ng citizenship issue laban kay Sen. Grace Poe, patuloy din siyang naghahanap ng mga kamag-anak na maaaring sumailalim sa DNA testing. Ito ang pinaka-epektibong paraan upang matiyak ang kanyang tunay na ama, ina, mga kapatid at kamag-anak. Sa gayon, matutuldukan na ang naturang masalimuot na isyu na kasalukuyang pinagpipistahan ng kanyang mga katunggali na patuloy na sisinghap-singhap sa mga survey.

PASKO SA PILILLA PARK

SINASABING ang Pasko ang pinakamasaya at makulay sa lahat ng araw sa iniibig nating Pilipinas sapagkat ginugunita at ipinagdiriwang ang pagsilang ng Dakilang Mananakop.

PAGPAPATIGIL SA PAMAMASADA NG MGA LUMANG JEEPNEY SA METRO MANILA

NAKIPAGPULONG ang mga driver ng jeepney sa Metro Manila sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa unang bahagi ng linggong ito tungkol sa napaulat na plano na i-phase out na ang mga lumang jeepney. Nagbanta ang Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na maglulunsad ng tigil-pasada upang iprotesta ang napaulat na plano na ipagbawal na ang pamamasada ng mga jeep na 15 anyos pataas.

KAPISTAHAN NG OUR LADY OF GUADALUPE

NGAYON ang Kapistahan ng Our Lady of Guadalupe. Bagamat ang debosyon sa Pinagpalang Birheng Maria sa ilalim ng kanyang pangalan ay nag-ugat sa Southern America, malapit siya sa puso ng mga Pilipino dahil ang Our Lady of Guadalupe ang ikalawang patron ng Pilipinas.

Is 48:1-4, 9-11 ● Slm 80 ● Mt 17:9a, 10-13 [o Zac 2:14-17 (o Pag 11:19a; 12:1-6a, 10ab) ● Jdt 13 ● Lc 1:26-38 (o Lc 1:39-47)]

Tinanong si Jesus ng mga alagad: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias?” At sumagot si Jesus: “Dapat nga munang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias pero hindi nila siya nakilala, at pinakitunguhan niya siya ayon sa kanilang kagustuhan. At gayon ding paraan magdurusa ang Anak ng Tao sa kamay nila.”

PAGTANGGAL NG CONTRACTUALIZATION, PANGAKO NINA DUTERTE AT POE

PAGTANGGAL ng “contractualization” ang isa sa mga pangako ng mga “presidentiables” na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe.

EPIDEMIA

BUKOD sa climate change at global warming, ang Pilipinas at maging ang buong Asia-Pacific ay nahaharap sa isang lihim na sakit at ito ay ang Human Immunodeficiency Virus (HIV). Sa kasalukuyan ay umabot na sa 220,000 teen-ager ang may impeksyon ng nasabing sakit, ayon sa report ng Asia Pacific Inter-Agency Task on Young Key Populations.

PAMAMAYAGPAG NI DUTERTE

WALANG duda na nangunguna sa karera si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa darating na presidential election sa Mayo 2016, sa kabila ng mga isyung ipinupukol sa kanya kaugnay sa kanyang pambabae, at human rights violation.