Home » Archives by category » Opinyon (Page 706)

MANNY VS GAYWEATHER

MAS matindi ang kalaban ngayon ni eight division world champion Manny Pacquiao kaysa laban niya noon kay Mayweather. Ang kasagupa ni Pacquiao, na kandidatong senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ni VP Jojo Binay, ay kasapi ng LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender). Kabilang sa pederasyong ito sina Boy Abunda, Ladlad Chairman Dante Remoto, LGBT Silahis Group chairman Estelito Ortega, Vice Ganda, Aiza Seguerra, at iba pa.

PISTA SA TAYTAY

NAKAUGALIAN na nating mga Pilipino na ipagdiwang ang kapistahan upang bigyang-buhay ang mga namanang tradisyon at panahon na rin ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa patnubay ng kani-kanilang patron saint. Isa na rito ang Taytay, Rizal na kinikilalang “Garment Capital” ng Pilipinas. Kanilang ipinagdiriwang ang kapistahan at araw ng pasasalamat tuwing sasapit ang ikatlong Linggo ng Pebrero. Ang kanilang patron saint ay si San Juan Bautista.

SUPORTADO ANG PLANO NG COMELEC NA ISAPUBLIKO ANG RESULTA NG BOTOHAN MULA SA BAWAT PRESINTO

KABILANG sa mga hakbanging pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) para sa eleksiyon sa 2016 ay ang pagpapaskil sa website nito ng resulta ng botohan sa bawat presinto sa bansa. Tiyak na malugod itong susuportahan ng mga nangangamba na magkakaroon ng dayaan sa pagpapadala ng resulta ng eleksiyon mula sa presinto patungo sa municipal center.

IKALAWANG LINGGO NG KUWARESMA

SUMAPIT na tayo sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma. Layunin ng Mahal na Araw na ihanda ang mga komunidad ng Kristiyano sa Pagkabuhay, ang panahon kung kailan, batay sa sinaunang kasaysayan ng Kristiyanismo, ang mga taong nagpahayag ng kagustuhang mabinyagan at sumailalim sa panahon ng paghahanda na kinakailangan sa pagbabautismo, ay binibinyagan bilang mga kasapi ng Simbahan, ang milagrosong kinatawan ni Kristo. Ang mga pagbasa at pananalangin sa buong banal na panahong ito ay sumasalamin sa kahandaang tanggapin ang Nabuhay na Hesukristo sa ating mga buhay at talikuran ang dati nating mga gawi at buong-pusong yakapin ang bago nating buhay kasama si Hesus.

Gen 15:5-12, 17-18● Slm 27 ● Fil 3:17—4:1 [o 3:20—4:1] ●Lc 9:28b-36

Isinama ni Jesus sina Pedro, Juan, at Jaime at umahon sa bundok para manalangin. At habang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha at puting-puting nagningning ang kanyang damit. May dalawang lalaki ring nakikipag-usap sa kanya, sina Moises at Elias.

ANG PAG-ATRAS SA LABAN NI PACQUIAO

TAMA umano ang posisyon ni Congressman Manny Pacquiao na hindi dapat pagpalain ng matrimonya ang mga taong pareho ang kasarian. Maging ang simbahan ay sumasang-ayon sa kanya. Sina presidential candidate Mar Roxas, VP Binay at Sen. Miriam Santiago ay tutol din sa same-sex marriage gaya ni Pacquiao.

PAGBABAGONG-ANYO NI JESUS

NOONG nag-aaral pa ako sa University of Leicester sa England, nakilala ko ang isang British personnel na ang pangalan ay Joan. Madalas naming mapag-usapan ang tungkol sa reliyihon. “Nahihirapan akong maniwala na mayroong nakikinig sa itaas,”sabi niya sa akin. “Sa sobrang daming pagsubok na aking pinagdaanan ay hindi maramdaman ang Diyos.” pagpapatuloy ni Joan.

DAYAAN SA ELEKSIYON, POSIBLE PA RIN?

SA kabila ng pagtiyak ng Commission on Elections (Comelec) at ng Smartmatic na “secure” na ang Automated Election System (AES), lumulutang pa rin ang posibilidad na magkaroon ng dayaan sa 2016 polls. Ang ganitong pangamba ay nalantad sa Joint Congressional Oversight Committee hearing.

KUKURYENTIHIN NA NAMAN SA BAYArin

MAKALIPAS ang dalawang buwan na magkakasunod na pagbaba ng singil sa kuryente na ikinatuwa ng mga consumer, marami naman ang nabigla at nagulat nitong unang linggo ng Pebrero sapagkat inihayag ng Meralco na tataas ng 42 sentimos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente.

KAILANGAN: KOMPREHENSIBONG PLANO PARA SA MGA OFW NA MAGSISIUWI MULA SA GITNANG SILANGAN

GAYA ng pinangangambahan natin noong nakaraang buwan nang magsimulang bumulusok ang pandaigdigang presyo ng produktong petrolyo, libu-libong overseas Filipino worker (OFW) ang naaapektuhan ngayon sa tanggalan ng trabaho sa Saudi Arabia. Ayon sa Migrante International, na nagsusulong sa kapakanan ng mga OFW, may 50,000 manggagawang Pilipino sa mga proyektong konstruksiyon at industriyal ng gobyerno ng Saudi ang mawawalan ng trabaho sa susunod na buwan. Inihayag na rin ng pinakamalaking kumpanya ng langis sa bansa, ang Saudi Aramco, na magtatanggal ito ng 25 porsiyento ng mga empleyado ng kumpanya.