Home » Archives by category » Opinyon (Page 695)

ANONG SUSUNOD SA CLIMATE TALKS?

MARAMING world leaders ang nagsama-sama sa isang pagpupulong upang talakayin ang lumalalang climate change. Layunin ng pagpupulong na alamin kung ano pang mga bagay ang hindi pa nila natatalakay noon at para himukin ang lahat ng mga bansa na mag-ambag para masolusyunan ang global warming.

TUMBANG PRESO

ANO na ba ‘tong nangyayari sa ating bayan? Nakakapagod na, nakakainis pa. Ayusin mo ngayon, bukas makalawa, sira nanaman. Para bang sinasadya? Hindi natututo? O baka naman kasabwat? Sabuyan pa ng pagiging hikahos sa mga ga-higante at matatalinong lider. Ang pamumulitika at serbisyo-publiko ay bumagsak sa antas ng mga musmos. Ang mga nangyayari sa ating kapaligiran ay maihahambing sa isang kilalang laro ng mga bata – ang “Tumbang Preso”.

BATAS, MAY PUSO

NANGIBABAW ang habag at malasakit nang payagan ng Supreme Court (SC) si dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo na makauwi sa kanilang tahanan sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon. Isa itong makataong desisyon lalo na kung isasaalang-alang ang kanyang nakababahalang karamdaman; matagal na siyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial and Medical Center (VMMC) kaugnay sa kasong pandarambong.

DUDA SA SWS SURVEY

SA biglang pagsikad ng approval rating ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, dalawang kredibilidad ang nalagay sa alanganin. Una, ang nag-commission pala sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ay grupo ng mga negosyante sa lungsod. Pangalawa, binayaran kaya ng mga negosyante ang SWS upang ilagay sa unang puwesto si Duterte (38%)? Sina VP Jojo Binay at Sen. Grace Poe ay tig-21% lang samantalang ang “bata” ni PNoy na si Mar Roxas ay malayong pang-apat (15%).

PANUKALANG BBL ‘DI NA MAGAGAWANG MAAPRUBAHAN SA TARGET NA PETSA

MAYROONG puntiryang petsa na Disyembre 16 para aprubahan ng Senado at Kamara de Representantes ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ipapasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang magtatatag sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) bago ang bakasyon sa Pasko.

PAGPAPALAKAS SA PANGANGALAGA AT SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA KABATAAN

IPINAGDIRIWANG ang National Youth Health Day tuwing Disyembre 10 upang bigyang-diin ang mga programang tumutugon sa kalusugan, nutrisyon, at kabutihan ng kabataang Pilipino, partikular na sa mga usaping nauugnay sa paraan ng pamumuhay, gaya ng pag-abuso ng ilegal na droga at paninigarilyo. Ang lagay ng kalusugan ng kabataan, kabilang ang naipagkakaloob na primary at tertiary care services, ang nakatutulong upang maiwasan, matukoy, at malunasan ang anumang makaaapekto sa kabutihang pisikal ng kabataan.

Garantisadong pang-negosyo

Garantisadong pang-negosyo

BINANSAGANG “mga bagong bayani,” marami pa rin sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang blangko ang isipan kung paano nila palalaguin ang pinaghirapang salapi.

Nasaan ang ‘economic growth’?

NITONG Lunes, ‘tila gumuho na ang pag-asa ng mga commuter sa iba’t ibang problema na makakatikim pa ng kumbinyente at maaasahang pampublikong transportasyon. Bukod sa araw-araw na pagbraso sa matinding traffic sa Metro Manila, mamalasin ka kapag nataon na may transport strike, tulad ng inilunsad ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).

Is 41:13-20 ● Slm 145 ● Mt 11:11-15

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang Kaharian ng Langit ay marahas na sumusulong at mga maylakas ang silang umaagaw nito.

ISANG WALANG ALAM, ISANG MAPAKIALAM

NAKAKASUKA na ang mga nangyayari sa ating pulitika. Napakagulo na at maging ang mga karaniwang tao ay nadadamay na. Sa ating bansa, pinatunayan ng mga pulitiko ang pagiging utak-talangka. Iyong tipong kapag may nakaungos sa kanila patungo sa itaas ay may pilit na humahatak pababa. Ito ang tinatawag na salaulang pulitika.