Home » Archives by category » Opinyon (Page 656)

IPINAGDIRIWANG: PHILIPPINE WETLANDS DAY

IPINAGDIRIWANG taun-taon ng maraming bansa sa mundo, kabilang ang Pilipinas, ang ikalawang araw ng Pebrero bilang World Wetlands Day upang bigyang-diin ang kahalagahan ng mga lugar na ito para sa sangkatauhan. Ang petsa ay ang anibersaryo ng paglagda at pagpapatupad sa Convention on Wetlands of International Importance o Ramsar Convention sa Ramsar City sa Iran, noong Pebrero 2, 1971. Idinaos ng gobyerno ng Pilipinas ang sarili nitong selebrasyon noong 1999, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 74, “Declaring February 2 of every year as National Wetlands Day.”

2 S 24:2, 9-17● Slm 32 ● Mc 6:1-6

Pumunta si Jesus sa kanyang bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Nang sumapit ang Araw ng Pahinga, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunungang ito na ipinagkaloob sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na nagagawa ng kanyang mga kamay? ‘Di ba’t siya ang karpintero? Ang anak ni Maria at kapatid nina Jaime, Jose, Simon, at Judas? ‘Di ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae?” bulag sila tungkol sa kanya.

PISTA NG CANDELARIA

MARAMI ang nagsasabi at naniniwala na Buwan ng Pag-ibig at Sining ang Pebrero sapagkat iba’t ibang gawain ang inilulunsad tungkol sa sining ng National Commission Culture and the Arts (NCCA). Sa Rizal ang samahan ng mga alagad ng sining ay may gawaing inilulunsad bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining. At pagsapit naman ng ika-14 ng Pebrero, ipinagdiriwang ang Valentine’s Day. Buwan din ng Kagitingan ang Pebrero sapagkat naganap ang EDSA People Power Revolution noong Pebrero 22-25, 1986. Isang mapayapang himagsikan na lumagot sa tanikala ng diktadurya at rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Nangibabaw ang matibay na pagkakaisa at pag-ibig sa bayan ng mga Pilipino at naibalik ang demokrasya at kalayaan na sinikil ng isang diktador.

BULOK

SA raid na isinagawa ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang townhouse sa Sta. Cruz, Manila na umano ay shabu laboratory, natagpuan nila si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at si Chinese National Yan Yi Shou.

PAGLIPOL SA DENGUE

KASABAY ng sunud-sunod na pagdami ng dinadapuan ng dengue, ang unang bakuna laban sa naturang sakit ay pinagtibay ng Food and Drug Administration (FDA), isang ahensiya ng Department of Health (DoH). Ito ay maituturing na isang ‘giant step’ sa pangangalaga ng kalusugan, lalo na ngayon na kabi-kabila ang pagdedeklara ng state of calamity dahil sa dengue epidemic sa iba’t ibang sulok ng bansa. Sa huling tala, umaabot sa 150,000 ang dengue cases sa buong kapuluan.

PATAY NA ANG BBL, MAKIPAGLIBING TAYO

SA pagkamatay ng 44 sa Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong Enero 25, 2015, kasamang namatay ang pag-asa na maipapasa ang nilulunggating iiwang legacy ni Pangulong Noynoy Aquino—ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Kasamang nailibing ng BBL ang teroristang si Marwan sa Bgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao, na naging eksena ng bakbakan ng SAF 44 at ng MILF, BIFF at mga armadong grupo. Ang mga kawawang SAF 44 commando na isinubo sa pagkuha kay Marwan, at kasamang si Basit Usman, ay naging biktima ng tinatawag na “Pintakasi” ng mga Muslim na naninirahan doon.

IPINAGDIRIWANG NG MANILA BULLETIN ANG IKA-116 NA ANIBERSARYO NITO NGAYON

ANG Manila Bulletin ay 116 na taon na ngayon at habang ipinagmamalaki nito ang pagiging isang pahayagan na naging saksi sa mahigit isang siglo ng mga pangyayari sa bansa, higit nitong ipinagkakapuri ang pamamayagpag nito sa merkado ngayon at ang naging ambag nito sa pagpapaunlad ng ating bansa sa mga aspetong pulitikal, pang-ekonomiya, panlipunan, at pang-kultura. Taglay nito ngayon ang napakalaking pag-asa sa patuloy na pamamayagpag sa napakabilis na nagbabagong digital universe.

ZIKA VIRUS BILANG PANDAIGDIGANG HEALTH EMERGENCY

PINAG-AARALAN na ng emergency committee ng World Health Organization (WHO) kung dapat nang ituring na pandaigdigang health emergency ang epidemya ng Zika virus na pinaniniwalaang nasa likod ng nakababahalang pagdami ng kaso ng seryosong birth defects sa South America.

Mal 3:1-4 ● Slm 24 ● Heb 2:14-18● Lc 2:22-40 [o 2:22-32]

Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila, ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon— tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. …

AWIT NA NAGPAPAALAB sa PAGIGING MAKABAYAN (Huling Bahagi)

ISANG linggo bago ang nakatakdang proklamasyon ng kalayaan ng iniibig nating Pilipinas sa Kawit, Cavite, sa loob ng anim na araw ay binuo ni Julian Felipe ang bagong komposisyon. Naging inspirasyon niya sa pagkatha ng tugtugin ang mga hirap na dinaranas ng ating bayan. Ipinahayag ni Julian Felipe sa tugtugin ang kanyang pagmamahal sa bayan. At noong gabi ng Hunyo 11, 1898, sa harap ni Heneral Emilio Aguinaldo at ng ilang heneral ng Himagsikan, tinugtog sa piyano ni Julian Felipe ang kanyang komposisyon sa himig ng martsa. Humanga si Heneral Emilio Aguinaldo at pinagtibay na ang tugtugin ay maging pambansang awit. Tinawag itong “Marcha Nacional Magdalo”. Ang Magdalo ang pangalan ni Aguinaldo sa Himagsikan at ng kanyang pangkat sa Cavite. Hango sa pangalan ni Sta. Maria Magdalena, ang patron saint ng Kawit, Cavite. Nang itatag ang Republilka ng Pilipinas noong Enero 23, 1899, ang “Marcha Nacional Magdalo” ay pinalitan ng “Marcha Nacional Filipina”.