Home » Archives by category » Opinyon (Page 644)

Is 62:1-5● Slm 96 ● 1 Cor 12:4-11 ● Jn 2:1-11

Sa ikatlong araw, may kasalan sa Kana ng Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Inanyayahan din si Jesus at ang kanyang mga alagad sa kasalan. Ngunit naubos ang alak sa kasalan kaya wala na silang alak. Kaya sinabi ng ina ni Jesus sa kanya: “Wala na silang alak.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ano ang kailangan mo sa akin, O Babae? Hindi pa sumasapit ang oras ko.” Sinabi naman ng kanyang ina sa mga naglilingkod; “Gawin ninyo ang lahat ng sabihin niya sa inyo.”

STO.NIÑO: TULARAN ANG BATA HINDI MAG-ISIP BATA

Nagkalat ang mga imahen at larawan sa iba’t ibang gamit at kasuotan. Mayroong Sto. Niño na nakabihis bumbero o pulis (siyempre, yung hindi nakaunat ang mga kamay para humingi ng lagay!) Mayroon ding Sto. Niño na kulay berde ang buong kasuotan na sumisimbolo sa kulay ng dolyar na siyang minimithi ng mga Pilipino.

SUICIDAL

INALOK na ng ating mga pinuno ang Amerika na magtayo ng walong base militar sa ating bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kadedeklara pa laman ng Korte Suprema na constitutional ang EDCA dahil pagpapalawig umano ito ng Visiting Forces Agreement (VFA) na nauna na ring idineklara na naaayon sa Saligang Batas.

KAAGAPAY

NANG magdesisyon ang Korte Suprema na ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay hindi labag sa ating Konstitusyon, naitanong ko sa sarili: Hindi kaya ito isang pagkakataon upang ang pamahalaang Amerikano ay makapanghimasok sa ating bansa? Upang sila ay makabalik sa iniwan nilang US bases at makapagtayo pa ng karagdagang himpilan?

PANGALAWANG OSPITAL NG ANTIPOLO

PINASINAYAAN na para sa mga mamamayan ng Antipolo City ang pangalawang ospital na ipinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pangunguna ni Antipolo City Mayor Jun Ynares na isang doktor. Ang pangalawang ospital na binuksan ay ang Antipolo City Hospital System Annex ll (ACHS-Annex ll), binubuo ng tatlong palapag, na matatagpuan sa Barangay Dalig. Ang floor area nito ay 2,500 square meter, may 70 bed capacity, X-ray, ultrasound laboratories, at pharmacy.

KAILANGANG BUO ANG PUWERSA NG COMELEC SA GITNA NG MGA ALITANG MAY KINALAMAN SA KAMPANYA

Sa nakalipas na mga araw, mayroong mga ulat ng alitan sa pagitan ng mga opisyal ng Comelec. Ito ay matapos na isumite ni Commissioner Rowena Guanzon sa Korte Suprema ang komento ng Comelec sa petisyon ng kampo ni Senator Grace Poe na pawalang-bisa ang diskuwalipikasyon nito bilang kandidato sa pagkapangulo. Kinuwestiyon ni Chairman Andres Bautista ang ginawa ng komisyuner, na nagsabing hindi inobliga ang Comelec na malagdaan ng lahat ng komisyuner ang komento at mahalagang makatupad sa deadline.

INDONESIA AT MGA KALAPIT-BANSA, DAPAT NA HANDA SA BANTA NG ISLAMIC STATE

PAIIGTINGIN ng Indonesia ang depensa nito laban sa Islamic State at makikipagtulungan sa mga kalapit nitong bansa upang labanan ang terorismo.

1 S 9:1-4, 17-19; 10:1 ● Slm 21 ● Mc 2:13-17

Habang nanunuluyan naman si Jesus sa bahay niya, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. Talaga namang marami sila. Ngunit may mga guro ng Batas namang sumusunod sa kanya. Nang makita nilang nasa hapag siya kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang mga alagad: “Ano! Kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis?”

DUTERTE, HIHINGI NG TAWAD KAY POPE FRANCIS

MUKHANG ngayon lang naliwanagan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Nais umano niya makipagkita kay Pope Francis upang personal na makahingi ng kapatawaran sa kanyang pagmumura nang siya ay makapaghain ng kandidatura.

PARAAN

MAY mga nababahala sa hindi umano pagkakaunawaan nina Commission on Elections (Comelec) chairman Andy Bautista at Comelec commissioner Rowena Guanzon. Ikinagalit ni Guanzon ang pag-iisyu ni Bautista sa kanya at sa director ng Comelec law department dahil sa pagsusumite nila ng Comment ng Comelec sa Supreme Court (SC) kaugnay sa petisyon ni Sen. Grace Poe sa disqualification case. Sa nasabing memorandum, binibigyan sila ng 24 na oras para magpaliwanag dahil isinumite nila ang Comment na hindi nila pinadaan sa Comelec en banc. Nais kasi ni Bautista na bigyan muna ng pagkakataon ang mga commissioner na mabasa ang Comment.