Home » Archives by category » Opinyon (Page 631)

ZIKA, NASA PILIPINAS NA

HINDI lang pala dengue virus kundi maging ang zika virus ay posibleng kumalat sa Pilipinas na dala ng lamok at ang paboritong dapuan at kagatin ay ang mga buntis. Sino mang buntis na makagat ng lamok na nagtataglay ng nasabing virus ay malamang na magsilang ng sanggol na maliit ang ulo at hindi kumpleto ang pormasyon ng utak na kung tawagin ay microcephaly.

BUHAY Din ang kaBAYARAN

SA kabila ng panawagan ni Pope Francis na hindi nararapat ang parusang kamatayan, hindi nagbabago ang ating paninindigan hinggil sa muling pagpapatupad ng death penalty. Lagi nating binibigyang-diin na ang naturang parusa ang epektibong hadlang sa walang pakundangang pamamaslang at iba pang karumal-dumal na krimen at sa paggawa at pagbebenta ng mga ilegal na droga.

NARITO NA ANG ZIKA

MAKALIPAS ang ilang buwan na naging laman ng mga balita ang tungkol sa pagkalat ng Zika virus, karamihan ay sa South America, at makaraang makapagtala ng kaso sa mga bansang malapit sa atin, gaya ng China at Korea, may isa nang kaso ng Zika na nakumpirma sa ating bansa. Ipinaalam ng US Center for Disease Control (CDC) sa ating Department of Health (DoH) nitong Sabado na isang babaeng Amerikano na apat na linggong nanatili sa Pilipinas noong Enero ang nagkaroon ng lagnat, mga pantal sa bala, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, at conjunctivitis sa huling linggo niya sa ating bansa, at natuklasan ang ebidensiya ng impeksiyon ng Zika sa kanyang pagbabalik sa Amerika.

FIRE PREVENTION MONTH: MAGING LIGTAS, MANATILING LIGTAS

MAGING maingat upang maiwasan ang sunog sa mga bahay, mga opisina, at mga komunidad—ito ang apela sa bawat Pilipino ngayong Fire Prevention Month na nagsimula noong Marso 1, alinsunod sa Proclamation No. 115-A na ipinalabas noong Nobyembre 17, 1966.

Ex 32:7-14● Slm 106 ● Jn 5:31-47

Sinabi ni Jesus sa mga Judio: “Kung nagpapatotoo ako sa aking sarili, hindi mapanghahawakan ang patotoo ko. Ngunit iba ang nagpapatotoo tungkol sa akin at alam ko na mapanghahawakan ang kanyang patotoo tungkol sa akin.

NATATANGING LUNAS SA BAHA

NAKABABAHALA ang inilarawan sa isang pag-aaral ng World Meteorological Organization sa Pilipinas. Ayon sa pag-aaral, ang tubig sa kapaligiran ng Pilipinas ay tumataas ng tatlong ulit na mabilis kaysa sa average sa buong daigdig, na 3.1 sentimetro bawat 10 taon.

PARUSANG BITAY NARARAPAT NA

MAHIGIT isang linggo pa lamang ang nakalilipas, isang kahindik-hindik na balita ang tumambad na nakasusulasok sa sikmura ng mga Pinoy. Isang babae ang pinatay at tsinap-chop ng kanyang asawang dayuhan. Hindi lamang nakahihindik ang ginagawang krimen kundi, nakakaalibadbad pa.

KAILAN ILALABAS ANG CAR PLATES?

NAIS kong ulitin kahit akusahan ako na makulit na mahigit isang taon na sapul nang magpa-renew ako ng aking lumang sasakyan. Nagbayad ako para sa bagong plate number, stickers, computer fees, etc., pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang aking plaka. Nada.

SARILING DESISYON

KASABAY ng pinakahihintay na implementasyon ng graphic health warning (GHW) Law, kapansin-pansin na ang ilang grupo ng smoker ay hindi natitigatig sa paghithit ng nakamamatay na usok na hatid nito. Ipinagkibit-balikat lang ang mahigpit na pagpapatupad nito na naglalayong ilayo sa sakit at kamatayan ang mga taong naninigarilyo at nasa paligid nito.

BAGONG NILILINANG: SOLAR POWER

NAGSIMULA na ang produksiyon ng isang 160-ektaryang farm sa Batangas, hindi ng karaniwang pananim, kundi ng kuryente para sa may 200,000 solar panel na nakahilera sa malawak at dating nakatiwangwang na lupain sa Calatagan, Batangas.