Home » Archives by category » Opinyon (Page 616)

LUPIT NG MARTIAL LAW (Ikalawang bahagi)

NOONG Setyembre 23, 1972, dakong 5:00 ng madaling araw, dinampot ako ng limang unipormado at armadong sundalo sa loob ng aming tahanan sa Sta. Cruz, Manila. Sa aking paglabas, nalaman kong marami pala silang kasama na nakapaligid sa aking bahay. Sila ay lulan ng dalawang kotse at isang 6×6 truck. Sa unang kotse nila ako pinasakay at dinala sa PC Gymnasium sa Camp Crame. Dinatnan ko sa loob ang mga senador, Constitutional Convention delegate, labor and student leader, mediamen at government official.

WALANG MAGAGANAP NA DAYAAN—COMELEC

SINISIGURO ng Commission on Elections (Comelec) at Malcañang na walang magaganap na dayaan sa eleksiyon sa Mayo.

EL NIÑO AT CLIMATE CHANGE

MATINDI na ang epekto ng El Niño sa Mindanao at posibleng nagsimula nang kumilos ang ibang rehiyon upang labanan ito ngunit inaasahang manunuot ang epekto nito. Hindi agad mapupunan ng ulan ang mga natuyot na katubigan at kakulangan sa tubig sa kabila ng katakut-takot na cloud seeding initiatives. Sa katunayan, sinabi ng PAGASA na magsisimulang maramdaman ang tindi ng epekto ng El Niño sa Marso.

PADER AT TULAY

SA kanyang hindi nagmamaliw na pagsisikap na matulungan ang refugees sa mundo, napagitna tuloy si Pope Francis sa pakikipagpalitan ng pahayag sa American Republican presidential aspirant na si Donald Trump, na nagdeklarang kapag nahalal siya ay magtatayo siya ng isang higanteng pader sa buong 1,954-milyang (3,145-kilometrong) hangganan ng United States at Mexico.

ANG BABALA NG UNITED NATIONS SA UMAALAGWANG TRANSNATIONAL CRIME SA TIMOG-SILANGANG ASYA

UMAALAGWA ang transnational crime sa Timog-Silangang Asya. Ito ang naging babala ng United Nations, bunsod ng mabilis na pagsasama-sama ng mga ekonomiya sa rehiyon habang pumapalya naman ang pangangasiwa ng pulisya sa hangganan ng mga bansa.

Gen 37:3-4, 12-13a, 17b-28a ● Slm 105 ● Mt 21:33-43, 45-46

Sinabi ni Jesus sa mga Punong-pari at mga Matatanda ng mga Judio. “Makinig kayo sa isa pang halimbawa. May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani.

PRESIDENTE KO?

SA pagpapatuloy ng ating talakayan noong nakaraang linggo, mahalagang tuparin ng mga kandidato sa pagkapangulo ang mga sumusunod:

JUSTICE ON WHEELS, IPINAGBUNYI SA BATAAN

PINURI ni Governor Albert Garcia ang Korte Suprema sa pagdaraos nito ng tinatawag na Justice on Wheels (JW) na ipinagbunyi naman ng mga bilanggo sa Bataan District Jail. Ang pagsasagawa ng kapuri-puring programa ng JW ay nagresulta sa pagpapalaya sa 40 bilanggo sa nabanggit na bilangguan.

BATAAN COMMAND CENTER

NAGING matagumpay ang paglikha ng provincial government ng Bataan, sa pamumuno ni Gov. Albert Garcia, sa Metro Bataan Development Authority (MBDA). Sa pamamagitan ng Bataan Command Center na nasa ilalim ng MBDA ay nakapagsagawa na ito ng mga tungkuling nagdulot ng malaking tulong sa kabuuan ng naturang lalawigan. At ito ay dahil sa pagsisikap at maayos na pamamahala ng dating alkalde na si Pilar Charlie Pizarro na kasalukuyang tagapamuno ng bagong likhang ahensiya.

WALANG DAPAT IPAGDIWANG

MALIBAN sa pagpapanumbalik ng kalayaan sa pamamahayag sa bansa, wala akong makitang makabuluhang dahilan upang ipagdiwang ang ika-30 anibersaryo ng People Power. Ang press freedom na tinatamasa natin ngayon ay kaakibat ng pagbangon ng demokrasya na nilumpo ng diktadurya. Ang kalayaang ito ang naglantad sa mga katotohanang walang dapat ikagalak sa paggunita ng isang okasyong puspos ng kabalintunaan.