Home » Archives by category » Opinyon (Page 603)

EDCA, APRUBADO NA; POE, TULOY ANG LABAN

KINATIGAN ng Supreme Court (SC) ang pagsusulong sa Philippines-United States Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na magpapalawak sa presensiya ng US military sa bansa.

POSIBLENG MAY PULITIKA NGUNIT ANG KATOTOHANAN ANG MAGPAPALAYA SA ATIN

MARAMING araw pa ang hinihintay bago simulan ang bagong imbestigasyon ng Senado sa trahedya sa Mamasapano, ngunit marami nang komento at batikos ang naglabasan tungkol sa pagsisimulang muli ng pagdinig at inaasahan o pinangangambahang magkakaroon ito ng epekto sa eleksiyon sa 2016.

PAGBATIKOS NG CHINA SA KASUNDUANG MILITAR NG ‘PINAS AT AMERIKA

HAYAGANG tinuligsa ng China ang Korte Suprema ng Pilipinas nang katigan nito ang isang kasunduan ng depensang militar na nagpapahintulot sa puwersang Amerikano, gayundin ang mga barko at eroplanong pandigma nito na pansamantalang manatili sa mga lokal na kampo ng militar, at tinawag sa editorial ng Chinese state media nitong Miyerkules na “stupid” ang nasabing hakbangin kasabay ng pagbibigay ng babala sa maaaring maging kahinatnan nito.

1 S 8:4-7, 10-22a ● Slm 89 ● Mc 2:1-12

Pumasok si Jesus sa Capernaum. Nang mabalitaang nasa bahay siya, marami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pintuan. At ipinahayag niya ang Salita. May mga tao namang dumating at dinala sa kanya ang isang paralitiko, na buhat-buhat ng apat.

BAWAL ANG BARIL

Simula noong Linggo, Enero 10, bawal na ang pagdadala at paggamit ng baril. At ang nagbabawal ay ang Commission on Elections (Comelec). Pero ang tanong, Comelec din ba ang magpapatupad nito? Sila rin ba ang huhuli sa mga lalabag?

SUSAN ROCES

MAY kasabihan na, “History repeats itself.” Sa aking pag-iisip, hindi kasaysayan ang umuulit, kundi ang tao (tayo), ang mga pangunahing aktor sa sining ng buhay ng sangkatauhan. Tao ang umuulit sa kasaysayan, lalo kapag nakakaligtaan ang mga nakasilid na aral sa mga pangyayari. Itong paunang salita, ang disqualification case na kinakaharap ni Sen. Grace Poe na huhusgahan pa ng Korte Suprema. Ito ay matapos sumablay ng dalawang beses sa Comelec. Mistulang “replay” ang nagaganap na laban ng anak ni Fernando Poe Jr,. Hindi ba’t ganito rin ang nangyari kay Fernando Poe Jr. noong 2004? Ang isyu sa pagiging “natural born Filipino” bago makatakbo sa pagkapangulo.

INSULTO

MAY himig ng pagmamalaki ang pahayag ng Malacañang sa muling pag-aangkat ng daan-daang toneladang bigas. Kahit na ano ang sabihin ng sinuman, ang ganitong pahayag ay isang malaking insulto sa isang pamayanan na itinuturing na agricultural country. Isipin na lamang na ang malaking bahagi ng ating bukirin ay dapat sanang panggalingan ng sapat na aning bigas.

PNOY, TATANUNGIN SA MAMASAPANO

SERYOSO pala ang kaibigan kong palabiro pero sarkastiko nang ibalita niya sa akin ang tungkol sa pahayag umano noon ni Pangulong Aquino na magpapasagasa sila sa tren ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Abaya kapag hindi natapos ang LRT extention sa Cavite sa taong 2015. Tapos na ang 2015 at 2016 na, ngunit hindi pa rin nagpapasagasa ang dalawa dahil hindi naman natapos ang ipinangakong proyekto.

SULIRANIN SA TRAPIKO, MALAKING PROBLEMA PA RIN SA METRO MANILA

NAGPAPATULOY ang mga pagsisikap para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila, partikular sa Epifanio delos Santos Avenue.

MASAYANG KAARAWAN NI MARY JANE VELOSO, KAPILING ANG PAMILYA

DINALAW ng kanyang pamilya si Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia, nitong Martes para sa ipagdiwang ang kaarawan nito, habang buo naman ang paniniwala ng kanyang mga tagasuporta na ipoproklama siyang inosente sa krimeng ibinibintang sa kanya at kalaunan ay tuluyang makakaligtas sa pagbitay sa pamamagitan ng firing squad.