Home » Archives by category » Opinyon (Page 590)

PAG-ANGKAT LANG BA NG BIGAS ANG TANGING SOLUSYON NG GOBYERNO SA KAKAPUSAN NG SUPPLY?

DALAWANG buwan pa ang natitira sa 2015, ngunit nagpasya na ang gobyerno na mag-angkat ng hanggang isang milyong metriko tonelada ng bigas, bukod pa sa 500,000 metriko tonelada na nakatakda nang angkatin sa unang tatlong buwan ng 2016.

MAS MARAMING PILIPINO ANG NAG-IIMPOK PARA SA KINABUKASAN

MAS marami nang Pilipino ang nag-iimpok para sa kinabukasan, nagpaplano kung paano gagastusin ang kanilang pera, at nagbibigay ng prioridad sa kalusugan, edukasyon at mga biglaang pangangailangan sa bahay. May natirang pera matapos gastusin sa mga pangunahing pangangailangan, karamihan sa mga Pilipino ay nag-iimpok sa tradisyunal na paraan sa pamamagitan ng mga bangko, ngunit nagsasagawa rin ng mas diversified approach — pagkakaroon ng maraming bank account, ng life insurance, ng government initiated retirement plan, provident fund, at mga insurance policy na nauugnay sa investment.

Rom 15:14-21 ● Slm 98 ● Lc 16:1-8

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo?

DELICADEZA

DAHIL sa kaliwa’t kanang kapalpakan ng ilang namumuno sa administrasyon ni Presidente Aquino, kaliwa’t kanan din ang mga panawagan upang sila ay magbitiw sa kanilang tungkulin. Hindi lamang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) talamak ang palpak na pamamahala kundi maging sa iba pang sektor ng pamahalaan, tulad ng transport industry.

ANG PILIPINAS NOONG 2010 AT SA 2016

SA panahon ngayon, karamihan sa mga balita sa araw-araw ay tungkol sa mga pagpatay, pagdukot, pagnanakaw, panggagahasa at iba pang karumal-dumal na krimen.

PAMBANSANG KAHIHIYAN

KUNG ano man ang itawag sa kanila: tanim-bala, laglag-bala, singit-bala at kung ano pa man ay iisa lang ang kahulugan nito. Ito ay extortion racket na bumibiktima sa mga pasaherong Pilipino at dayuhan na patungo at paalis ng bansa. Ilang beses na namin naging paksa ang raket na ito ngunit hindi nakasasawang talakayin sapagkat ito ay isang “pambansang kahihiyan”.

SINO ANG PANGULO MO?

KUNG ginulat ng Guatemala ang buong mundo nang ihalal nila bilang pangulo ang komedyanteng si Jimmy Morales dahil sa laganap na kurapsiyon doon, hindi siguro nakapagtataka kung ihalal naman ng mga Pinoy bilang pangulo ang isang Pulot o Ampon sa katauhan ni Sen. Grace Poe. O kaya’y ihalal ang isang mamamatay-kriminal sa katauhan naman ni Mayor Rodrigo “Digong” Duterte ng Davao City. Ang problema, karamihan sa inihahalal ng mga Pilipino ay abogado o kaya’y ekonomista pero, hindi rin umuunlad ang bansa dahil ang inaatupag nila ay punuin ang kanilang mga bulsa at magpasarap sa puwesto.

PAGBABAGO NG POLISIYA NG CHINA SA POPULASYON— MAY MATUTUHAN BA ANG PILIPINAS?

SA layuning makontrol ang lumolobong populasyon nito, nagpatupad ang China ng one-child-per-family policy noong 1979. Ang mga hindi planadong pagbubuntis ay may katapat na malaking multa. Sa maraming kaso, ang polisiya ay nagbubunsod ng aborsiyon, puwersahang sterilization, at pagpatay sa sanggol. Sa unang 20 taon ng pagpapatupad nito, nakatulong ang polisiya sa pagbabawas sa populasyon ng bansa ng hanggang 100 milyong katao.

PANGULONG CARLOS P. GARCIA: ‘ISTRIKTOng MGA PROGRAMA, PILIPINO MUNA, PAGPAPASIGLA SA KULTURA’

GINUGUNITA ng bansa si Pangulong Carlos P. Garcia sa ika-119 na anibersaryo ng kanyang kapanganakan ngayong Nobyembre 4. Siya ang ikawalong presidente ng Pilipinas na naglingkod mula 1957 hanggang 1961. Ang kanyang polisiyang “Filipino First” ay nagpatibay sa kalayaan sa ekonomiya at soberanya ng bansa, at nagbigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga negosyanteng Pilipino laban sa mga dayuhang mamumuhunan.

Rom 13:8-10 ● Slm 112 ● Lc 14:25-33

Habang naglalakad ang napakaraming tao na kasama ni Jesus, humarap siya sa kanila at sinabi: “Kung dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid na lalaki at babae, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin. At paano kung may magbalak magtayo ng silungan ng bantay sa bukid? Hindi ba’t uupo muna siya at tatantyahin ang gastos para malaman kung may sapat siya para maipatapos iyon? Sapagkat kung mailalagay niya ang pundasyon at hindi naman niya iyon maipatapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat: Hayan ang nagsimulang magtayo at hindi na maipatapos.