Home » Archives by category » Opinyon (Page 576)

PUNONG MAGIKERO

“PUNONG Magikero”. Ganito tinagurian ni Sen. Miriam Santiago si Ronaldo Puno sa kanyang privilege speech noong 2010 na pinamagatan niyang “The Avatar of Corruption”. Tinawag din niya itong political operator. Pinaniwala raw nito ang mga tinutulungang pulitiko na ang pandaraya sa halalan at katiwalian sa gobyerno ang magdadala ng tagumpay.

CHINESE NEW YEAR

KATULAD ng mga Kristiyano na may mga tradisyon at kaugaliang binibigyang-buhay at binibigyang-halaga, ang mga Intsik ay may tradisyon din na minana mula sa kanilang mga ninuno. Isa na rito ang “Chinese New Year”, ang pinakasikat at kilalang pagdiriwang ng mga Chinese. Naiiba ang Chinese New Year sa Bagong Taon ng mga Kristiyano.

$66 MILLION NA TULONG NG US

MAGLALAAN ng $66 million ang US Congress para sa konstruksiyon ng military facilities sa Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Inihayag ito ni US Ambassador Philip Goldberg sa isang media forum noong Miyerkules.

MAAARI TAYONG MATUTO SA SISTEMA NG US SA PAGPILI NG KANDIDATO

ANG pulong sa Iowa noong Lunes, Pebrero 1, ang simula ng sistema ng Amerika sa pagpili ng kandidato sa pagkapangulo. Sa pulong ng Republican Party, nanalo si Sen. Ted Cruz ng Texas sa nakuhang 28 porsiyento ng boto, na sinundan ng negosyanteng si Donald Trump na may 24%, at si Sen. Marc Rubio ng Florida, na may 23%.

1 H 8:1-7, 9-13● Slm 132 ● Mc 6:53-56

Pagkatawid ni Jesus at ng kanyang mga alagad, dumating sila sa pampang ng Genesaret at doon nila isinadsad ang bangka.

KATIYAKAN SA TULUY-TULOY NA PAGSIGLA NG SEKTOR NG PANGISDAAN

MAKAKAASA na ang sektor ng pangisdaan sa Pilipinas na magiging globally competitive at tuluy-tuloy ang kanilang paglago sa mga susunod na taon.

DIYOS LAMANG ANG NAGBIBIGAY BUHAY

IPINAGDIRAWANG ngayon ang National Pro-Life Sunday. Naalala ko ang mga sumusunod na kuwento mula sa isang Pro-Life gathering sa Maynila: Ang mga US scientist ay sobrang advance na pagdating sa genetic engineering, decoding genes, at paggawa ng clone.

SERENO, TAGAKUPKOP NG PULOT

DAHIL kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, nakatagpo ng tagakupkop at tagapagtanggol ang libu-libong pulot (foundling) na iniwan ng kanilang mga magulang matapos “magpasarap” o kaya’y natukso sa bawal na pag-ibig bunsod ng umaapaw na estrogen sa babae at testosterone sa lalaki. Maliwanag, hindi kasalanan ng kawawang pulot kung ano ang kanyang tunay na pagkatao at kung sino ang kanyang mga magulang.

REVOLUTION OF TENDERNESS

KAPANALIG, nagsimula ang Jubilee Year of Mercy noong Disyembre 8, 2015. Ito ay kakaiba sa lahat ng cycle of Jubilee na nangyayari kada 25 taon sa Simbahang Katoliko. Ayon nga kay Pope Francis, ito ay “Extra Ordinary Jubilee.” Ito ay extra ordinary hindi lamang dahil labas ito sa normal na siklo ng ating mga Jubilee, kundi dahil tinutuon nito ang ating atensiyon at pananalig sa habag.

PAGDIRIWANG SA MORONG

SA mga bayan sa Silangang bahagi ng Rizal, ang buwan Enero at Pebrero ay panahon ng pagbibigay-buhay at pagpapahalaga sa mga namanang tradisyon at kaugalian na nag-ugat na sa kultura ng mga mamamayan. Magkasabay na ipinagdiriwang ang kapistahan ng bayan at kanilang patron saint na kanilang katuwang at patnubay sa Poong Maykapal.