Home » Archives by category » Opinyon (Page 561)

PAANDAR NA, PASALUBONG PA

APAT na dekada na akong nagsusulat ng balita bilang isang police reporter, news editor at maniniyut (photo journalist), pero sa maniwala kayo’t hindi, ngayon lang ako magsusulat ng kolum. Nakakapanibago. Pakiwari ko’y may mas malaking responsibilidad ako sa mga impormasyong mababasa sa kolum kong ito na pinamagatan kong “ImbestigaDaVe” mula sa salitang “imbestiga” na idinugtong sa Da at Ve—ang unang dalawang letra ng aking palayaw at apelyido.

MAGANDANG SIMULA

MAYO 27 nang tinapos ng Kongreso ang pagbibilang ng boto sa nakaraang halalan, at lumabas na nakakuha ng 16.5 milyong boto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ngunit bago pa nagsimula sa pagbibilang ang Kongreso, sinimulan nang ilatag ni Duterte and pundasyon ng kanyang administrasyon.

DUTERTE, TAKOT SA MULTO

MATIGAS na talaga ang ulo ng bagong halal na pangulo ng bansa. Hindi siya dumalo sa proklamasyon niya at ni CamSur Rep. Leni Robredo. Nanatili siya sa Davao City gayong pormal siyang inanyayahan ng Kongreso para daluhan ang makasaysayang proklamasyon ng unang pangulo mula sa Mindanao at unang bise presidente mula sa Bicol.

SALOT SA LANSANGAN

AKO ma’y matindi ang panggagalaiti sa ilang balasubas na towing company na walang pakundangan sa paghahatak ng illegally parked vehicles sa iba’t ibang sulok ng Maynila. Sa kabila ito ng paulit-ulit na babala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang gayong operasyon, kahit kaharap ang mga tsuper, ay isang criminal offense; marapat na mag-isyu na lamang ng traffic violation tickets ang mga awtoridad.

DAP, KABILANG SA TUTUTUKAN NG BAGONG DOJ

INIHAYAG ni incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kabilang ang Disbursement Acceleration Program (DAP) sa mga unang usapin na iimbestigahan ng Department of Justice (DoJ) sa pagsisimula ng administrasyong Duterte.

IKA-346 NA ARAW NG PAGKAKATATAG NG MAKATI

NGAYON ang ika-346 na Araw ng Pagkakatatag ng Makati City, na dati ay isang pre-Hispanic settlement sa baybayin ng Ilog Pasig.

2 Tim 1:1-3, 6-12 ● Slm 123 ● Mc 12:18-27

Lumapit kay Jesus ang mga Sadduseo. Sinabi ng mga ito’y walang pagkabuhay na muli kaya nagtanong sila: “Guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may mga magkakapatid na lalaki at mamatay na walang anak ang isa sa kanila, kailangang kunin ng kanyang kapatid ang kanyang asawa upang magpasibol ng supling sa kanyang kapatid.’ Ngayon, may pitong magkakapatid. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak.

RADIKAL NA PAGBABAGO

Kung si Robredo raw ang masusunod at maglilingkod siya sa administrasyon ni Pangulong Digong, pipiliin niyang posisyon ay iyong magpapairal ng anti-poverty program. Bagamat sinabi ni Robredo na 100% niyang susuportahan ang Pangulo, nasabi naman ng Pangulo na hindi niya kaagad masasabi kung saang posisyon niya hihirangin ang Pangalawang Pangulo dahil abala pa siya sa pagbabayad ng utang na loob sa mga tumulong sa kanya.

BAGONG PANGULO AT BISE PRESIDENTE

SA katapusan ng buwang ito o sa Hunyo 1, may bago nang pangulo at bise presidente ang Pilipinas. Sa pagkakaroon ng dalawang bagong lider, umaasa ang mga Pinoy na sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan, mawawala na rin sa wakas ang illegal drugs na ugat ng mga krimen, iiral ang curfew para sa mga menor de edad, bawal na pag-inom sa mga lansangan, paninigarilyo sa pampublikong lugar, at nakabibinging videoke sa hatinggabi.

TRADISYON SA ANGONO SA HULING ARAW NG MAYO

HULING araw ngayon ng Mayo—ang buwan ng mga bulaklak at pagdiriwang ng mga kapistahan. Buong buwan na binigyang-buhay at pagpapahalaga ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa ang iba-ibang tradisyon at kaugalian na bahagi na ng kulturang Pilipino. Ngayong huling araw ng Mayo, bilang bahagi pa rin ng Maytime Festival, gagawin sa mga simbahan mamayang hapon ang Flores de Mayo, o Pag-aalay ng Bulaklak sa Mahal na Birhen, at ang Santacruzan.