Home » Archives by category » Opinyon (Page 512)

KARAGKARAG NA JEEP, IPAGBAWAL

KAMAKAILAN lamang ay tinalakay sa kolum na ito ang tungkol sa “kabaong bus”. Iyong mga bus na kahit lumang-luma na at halos magkalasug-lasog na habang tumatakbo ay pinapayagan pa ring magkalat sa mg lansangan. Ang mga bus na ito ang karaniwang nasasangkot sa mga aksidente. Dapat na talaga itong ipagbawal.

LUMULUBHANG KUMPRONTASYON SA BAHAGI NATING ITO SA MUNDO

SA gitna ng ating pagkaabala sa mga suliranin sa ating bansa, partikular ang patuloy na pamamayagpag ng kahirapan, kawalan ng trabaho, mababang sahod, at mataas na presyo ng mga bilihin, hindi natin dapat na balewalain ang mga nangyayari sa bahagi nating ito sa mundo na maaaring biglaang makaapekto sa ating bansa.

Dn 13:1-9, 15-17, 19-30, 33-62 [o 13:41c-62] ● Slm 23● Jn 8:12-20

Sinabi ni Jesus sa mga Judio: “Ako ang liwanag ng mundo. Magkakaroon ng liwanag ng buhay ang sumusunod sa akin at hinding-hindi lalakad sa karimlan.”

ANG MALALAKING PAGBABAGO SA MUNDO BUNSOD NG KAGULUHAN SA SYRIA

HINDI matatawaran ang marami at napakalaking pagbabagong idinulot sa mundo ng ilang taon nang kaguluhan sa Syria. Isa-isahin natin kung paanong dahil sa limang pangunahing pagbabagong ito ay hindi na natin mababakas ang dating daigdig na ating ginagalawan.

PAHALAGAHAN ANG KABABAIHAN

NAGSASAWA na ang isang lalaki sa kapapasok sa trabaho habang ang kanyang misis ay nasa bahay lang. Nais niyang maramdaman ng misis niya ang mga paghihirap na dinaranas niya kaya’t ipinagdasal niya na, “Panginoon, pagpalitin n’yo nga po ang katawan namin ng asawa ko at ang aming mga responsibilidad.”

PANANAGUTAN BILANG MGA KATIWALA

MGA Kapanalig, nakalulungkot malaman na ang mga balita sa telebisyon, radyo, at social media ay halos tungkol na lamang sa mga pulitiko, krimen, at tsismis. At marahil ay wala kayong nabalitaan tungkol sa barikada ng halos 400 katao, karamihan ay mga residente, para kahit papaano’y pilayin ang operasyon ng mga mining company sa mga bayan sa Sta. Cruz, Zambales.

UNANG PULOT NA PANGULO

KAPAG si Sen. Grace Poe ang nahalal na pangulo sa Mayo 9, siya ang kauna-unahang pulot (foundling) na Punong Ehekutibo ng ating bansa. Kapag si Hillary Clinton naman ang naging presidente ng United States (US), siya ang kauna-unahang babae na hahawak ng pinakamataas na posisyon sa nag-iisang superpower sa mundo.

PANAHON NG GRADUATION

ANG buwan ng Marso, bukod sa panahon ng tag-araw ay buwan din ng pagmartsa ng mga estudyante sa ilang mga paaralan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. At para sa pamilyang Pilipino, ang graduation sa anumang antas; pre-school, elementary, high school, at kolehiyo ay dapat ipagdiwang sapagkat para sa mga magulang, ang graduation ang pinakamasayang okasyon dahil isa itong tagumpay ng kanilang mga anak kung saan umaakyat ang mga ito sa entablado upang tanggapin ang kanilang diploma na magsisilbing katibayan na sila ay nakatapos.

ISANG HIWALAY NA KAGAWARAN PARA SA MGA OVERSEAS WORKER

HINDI maikakaila na kung hindi dahil sa ating mga overseas Filipino worker (OFW) at sa kanilang mga remittance sa bansa, hindi magiging masigla ang ekonomiya ng Pilipinas gaya ngayon. Ang kanilang remittances noong 2015 ay umabot sa mahigit $29 billion, halos ikasampung bahagi ng Gross Domestic Product. Ang mga remittance ng mga Pinoy ang ikatlo sa pinakamataas sa mundo, ayon sa World Bank, at hindi pa kasama rito ang hindi naitatalang padala sa impormal na sektor.

INAASAHAN ANG 80 HANGGANG 100 LAGDA SA PAGPAPATUPAD SA PARIS CLIMATE DEAL

UMAASA ang opisyal na nangangasiwa sa pandaigdigang climate negotiations na aabot sa 80 hanggang 100 bansa ang lalagda sa makasaysayang kasunduan sa climate change na tinalakay sa Paris noong Disyembre.