Home » Archives by category » Opinyon (Page 490)

MINDANAO MALACAÑANG

SINIMULAN na ng bagong hirang na presidential adviser sa Visayas, si Michael Dino, na ayusin ang tinaguriang Malacañang of the South para sa kanyang gagampanang tungkulin sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kakaiba ang napiling gusali, na magugunitang pinasinayaan ni dating Pangulong Gloria Arroyo, dahil makasaysayan ang disenyo at lumang tanggapan ng Customs sa lalawigan ng Cebu. Mula sa Cebu City Hall, halos limang minutong paglalakad lang ang layo nito sa bandang pier. Sa kasalukuyan, inaayos na ni Dino ang kanyang opisina na sa aking pagkakatunog, magkakaroon ng tinaguriang Regional Coordinators at Provincial Assistants upang tulungan ang bagong administrasyon sa mga suliranin sa Visayas.

WILD, WILD WEST

SALUNGAT si Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa plano ni President-elect Rodrigo Roa Duterte (RRD) na pahintulutan ang citizens’ arrest kapalit ang reward money para sa hinihinalang drug lords/traffickers. Nagbanta si Lacson na minsan na ring napagbintangan sa pagsasagawa ng summary execution (salvage) laban sa kidnapping at robbery suspects dahil sa kanyang mahigpit na patakaran laban sa kriminalidad bilang PNP chief noon na baka magbunga ito ng karahasan at kalituhan.

NAKASISINDAK NA BABALA

HINDI pa man pormal na nakaluklok ang administrasyon ni President-elect Rodrigo R. Duterte, naghatid na ito ng nakasisindak na babala sa mga pasaway, lalo na sa mga walang patumangga sa paghahasik ng karahasan sa mga komunidad.

PINAG-AARALAN NG WHO ANG SITWASYON NG ZIKA AT NG RIO

MAGDARAOS ang World Health Organization (WHO) ng emergency meeting anumang araw ngayon upang muling pag-aralan ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng pagsasagawa ng Summer Olympics sa Agosto sa Rio de Janeiro, Brazil.

ANG HUNYO AY NO SMOKING MONTH

ALINSUNOD sa Presidential Proclamation No. 183, s. 1993, ang Hunyo ay ipinagdiriwang sa buong bansa bilang National No Smoking Month. Pinalalawig ng proklamasyon ang paggunita sa World No Tobacco Day na idinadaos tuwing Mayo 31 hanggang sa buong buwan ng Hunyo bilang pagpapaigting sa kampanya laban sa paninigarilyo sa pamamagitan ng pagpapamulat sa publiko ng hindi magandang epekto nito. Bukod sa panganib na naidudulot nito sa kalusugan, matindi ang pinsalang naihahatid ng sigarilyo sa kalikasan dahil 98 porsiyento ng mga ito ay nagtataglay ng plastic non-biodegradable filters, ayon sa artikulong inilathala ng pandaigdigang peer-reviewed journal para sa mga propesyunal sa kalusugan, ang Tobacco Control.

1H 18:41-46 ● Slm 65 ● Mt 5:20-26

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit.

SOLIDONG EBIDENSIYA, KINAKAILANGAN

MATINDI ang pakiramdaman sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Camp Crame matapos magbanta si President-elect Rodrigo Duterte na hihiyain niya sa publiko ang tatlong heneral na pulis na umano’y mga protektor ng drug syndicate dito sa bansa, sakaling ang mga ito ay hindi agad magbitiw sa kani-kanilang posisyon.

KALIGAYAHAN

NATAWAG ang aking pansin sa pananalita kamakailan ni Pope Francis. Sa kanyang homily sa St. Peter’s Square sa harap ng 70,000 kabataan, sinabi ni Pope Francis na walang katumbas na halaga ang kaligayahan at hindi ito isang app na maaaring i-download, at hindi rin maibibigay ng latest update ang kalayaan at kadakilaan ng pag-ibig.

1H 18:20-39 ● Slm 16 ● Mt 5:17-19

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Huwag ninyong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang magbigay-karapatan. At talagang sinasabi ko sa inyo:

TULAD SA UOD

NANGAKO si President-elect Rodrigo Roa Duterte (RRD) na siya ay sasailalim o magkakarooon ng tinatawag na “metamorphosis” o pagbabago sa sandaling makapanumpa bilang pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30. Tulad ng isang uod, siya ay magiging isang kaibig-ibig na paru-paro matapos ang metamorphosis. Pipigilan na niya ang pagmumura at kakaibang behavior o asal na naglalagay sa kanya sa alanganin at kontrobersiya.