Home » Archives by category » Opinyon (Page 476)

LIMANG PRESIDENTE

KAY gandang pagmasdan ang limang presidente na nagpakuha ng larawan sa Malacañang kaugnay ng pagpupulong ng National Security Council (NSC) noong Miyerkules. Sila ay sina incumbent Pres. Rodrigo Roa Duterte (RRD), ex-Presidents Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Benigno “Noynoy” Aquino III.

BAGONG KUMBENTO NG ST. CLEMENT PARISH

Ang pasinaya at blessing ng bagong kumbento na may tatlong palapag ay ginanap noong Hulyo 30. Pinangunahan ni Bishop Gabriel Reyes, ng Diocese ng Antipolo, ang isang thanksgiving at concelebrated mass kasama sina Fr. Roy Crucero, kura paroko ng St. Clement Parish, ng assistant parish priest, at ni Fr. Joselito Santos, secretary ng Bishop ng Antipolo.

MALAKING KUMPIYANSA SA PAGSISIMULA NG BAGONG ADMINISTRASYON

TUMATAAS ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa pananaw nila sa kalidad ng sarili nilang buhay at ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa sa kabuuan.

IWAKSI ANG PAGKAMUHI AT YAKAPIN ANG LAHAT NG LAHI

IPINAGDIWANG ni Pope Francis ang misa nitong Linggo kasama ang mahigit 1.5 milyong pilgrim sa malawak na parang sa Poland, sa pagtatapos ng kanyang emosyonal na pagbisita na ginamitan ng matatalinghagang terminong pangteknolohiya.

Jer 30:1-2, 12-15, 18-22● Slm 102 ● Mt 14:22-36

Nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat. Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, natakot sila, at akala nila’y multo siya. Kaya sumigaw sila. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila: “Lakasan ang loob!

KONSIDERASYON

SI Pangulong Digong na mismo ang nagsabi na Constituent Assembly (ConAss) at hindi na Constitutional Convention (ConCon) tulad ng ipinangako niya ang mag-aamyenda ng Saligang Batas. Sa pagbaligtad ng Pangulo, higit umanong makatitipid at mabilis na magagawa ito kung ganito ang paraan. Kaya, ang mga mambabatas na ang gaganap ng tungkulin sa halip na mga delegadong ihahalal ng taumbayan.

HENERAL NA PUSONG MAMON

SA dami ng natutumba at sinasakluban ng diyaryo sa mga bangketa at kalsada, walang dudang may PUSONG-BATO na ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nag-uutos sa mga operasyong gaya nito para tuluy-tuloy na maisakatuparan ang pangako ng administrasyon na wawalisin sa loob lamang ng anim na buwan ang problema sa ilegal na droga at kriminalidad sa buong bansa.

WALANG HIWALAYAN

WALANG paghihiwalay sa pagitan ng Diyos at ng Estado. Ito ang pahayag ni President Rodrigo Roa Duterte (RRD) sa kanyang unang SONA (State of the Nation Address) noong Hulyo 25 na pinalakpakan nang 69 na beses ng mga senador, kongresista, diplomatic corps, at pinuno ng AFP at PNP. Bagamat maliwanag na nakasaad sa Constitution ang separasyon ng Simbahan at Estado, naniniwala si RRD na sa usapin ng Panginoong Diyos, hindi dapat magkaroon ng guwang ang dalawang institusyon.

SIMULA NG BUWAN NG WIKA

SISIMULAN ngayong unang araw ng Agosto ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Pangungunahan ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Tulad nang dati, ang selebrasyon ay laging may temang binibigyang-halaga at kahulugan. Ngayong 2016, ang paksa ng Buwan ng Wika ay, “ANG WIKANG FILIPINO: WIKA NG KARUNUNGAN”.

5 PANGULO NG PILIPINAS SA PULONG NG NATIONAL SECURITY COUNCIL

MAY isang bagay na nakatutuwa sa litrato ng limang pangulo ng Pilipinas—si Pangulong Duterte at sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo, at Benigno S. Aquino III—na kuha sa pulong ng National Security Council (NSC) sa Malacañang noong Miyerkules.