Home » Archives by category » Opinyon (Page 460)

Hkm 13:2-7, 24-25a ● Slm 71● Lc 1:5-25

Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngangalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na Elizabeth ang pangalan. Kapwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay ng walang kapintasan ayon sa lahat ng batas at kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa matanda na sila.

MGA PULITIKO O MGA SANGGANO

ANG mga pulitiko sa Pilipinas, kung seseryosohin mo, at kung mahina-hina ang iyong kukote, malamang na mauna ka pang dalhin sa mental hospital kaysa mga pulitikong ito. Mantakin mo namang itong sina dating DILG Secretary Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nagkahamunan. Nagkantyawan tungkol sa mga pinagtapusan sa pag-aaral at nang magkapikunan, naghamunan ng sampalan. Nang hindi natuloy ang sampalan, naghamunan naman ng suntukan at ngayon ay barilan na.

OKay SI ROXAS

“UMASTA kayong world class,” wika ni dating Pangulong Fidel V. Ramos kina presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at Sec. Mar Roxas. Kasi naman, sa halip na problema ng bansa ang kanilang pagdebatihan eh, naghamunan ng sampalan at suntukan. Nag-ugat ang kanilang bangayan at hamunan nang sabihin ni Roxas na ang ipinagmamalaki ni Duterte na mapayapang lungsod ng Davao ay kathang isip lamang. Ayon kay Roxas, batay sa record ng Philippine National Police (PNP), pang-apat ang Davao City sa may pinakamaraming naitalang krimen. Una raw ang Maynila, ikalawa ang Quezon City, at ikatlo ang Zamboanga City. Hindi si Roxas ang dapat magsabi nito, ayon kay Duterte. Ang mga taga Davao City, aniya, ang higit na nakakaalam nito.

ZERO CASUALTY SA ALBAY

MULING pinatunayan ng Albay na epektibo ang kanilang disaster risk reduction (DRR) formula nang rumagasa ang bagyong ‘Nona’ sa nasabing probinsiya nitong nagdaang mga araw. Maraming namatay dahil sa bagyong ‘Nona’ ngunit walang nabiktimang taga-Albay.

PNOY VS KURAPSIYON

NANGAKO si Presidente Aquino na “do even more” hanggang sa huling araw ng kanyang anim na taon na panunungkulan sa pakikipaglaban sa korupsiyon at sa pagpapaunlad ng buhay ng mga tao.

NAKAKALIBANG, PERO MAS MABUTING TUTUKAN ANG MAHAHALAGANG USAPIN

WALANG dudang nagbibigay ng aliw sa mamamayan ang hamunan at kantyawan sa sampalan o kaya naman ay suntukan ng dalawang kandidato sa pagkapangulo na sina Mar Roxas ng Liberal Party at Mayor Rodrigo Duterte ng PDP-Laban.

PAGBIBIGAY NG PROTEKSIYON SA MGA KARAPATAN AT SA KALAYAAN NG MGA MIGRANTE

ANG International Migrants Day (IMD) ay taunang ginugunita tuwing Disyembre 18 upang bigyang-diin ang mga pagsisikap, kontribusyon, at karapatan ng mga migrante sa mundo. Ang paggunita ngayong araw ay sumisimbolo sa pagtanggap noong 1990, 25 taon na ang nakalilipas, ng United Nations (UN) International Convention on Protection of the Rights of Migrant Workers and Their Families, na naglatag ng mga pandaigdigang panuntunan upang isulong at protektahan ang mga karapatan ng mga migrante.

Jer 23:5-8● Slm 72 ● Mt 1:18-25

Ito ang pangyayaring napapaloob sa kapanganakan ni Jesu-cristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo.

SI DUTERTE AT ANG SURVEY

SA barberyang laging pinagpapagupitan ng kolumnistang ito ay panay ang balitaktakan ng mga barbero at parokyano. Bakit daw kaya biglang-bigla ang pag-imbulog ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa survey sa panguluhan. Bakit bigla niyang naungusan sina Vice Presedent Binay, dating DILG Sec. Mar Roxas at maging si Sen. Grace Poe? Ano kaya ang dahilan?

NUISANCE CANDIDATE?

SA kasalukuyang taon, umabot sa 130 ang naghain ng certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo, habang 19 sa pagka-bise presidente, at mantakin natin, 172 naman bilang senador! Bakit ganito? Siyempre ang sagot ng Commission on Elections (Comelec) at mga switek diyan, hindi pa pinal ang mga ito dahil aalisin nila ang mga “nuisance candidate”. Yung mga kandidato na sa sariling pang-unawa, batayan at makapangyarihang paghuhukom ng Komisyon ay panggulo, nanggugulo at walang kakayahang maglunsad at magpatakbo ng pambansang halalan. Ibig sabihin, makapangyarihan ang Comelec.