Home » Archives by category » Opinyon (Page 443)

MENSAHE MULA SA MGA MATA NG BABAE

KAGAGALING ko lamang mula sa pilgrimage ng Lady of Guadalupe Shrine sa Mexico. Habang ako ay naroon, sinulat ko ang tungkol sa milagro ng “tilma” o cloak na nakaimprenta sa imahen ng Blessed Mother Mary.

PAGNENEGOSYO NG MALIIT NA PUHUNAN

KAPANALIG, maganda ba ang kinabukasan ng maliit na mamumuhunan sa ating bayan? Marami sa ating mga maliliit na negosyante ay humaharap sa kabi-kabilang balakid sa kanilang mga negosyo. Unang una rito ay ang kakulangan sa access sa pondo.

HANGGANG SA ‘PINAS, NAGBABANGAYAN

HINDI lang negosyo ang dinadala ng China sa Pilipinas. Ang pangangamkam nila sa teritoryo natin sa karagatan (West Philippine Sea) ay patuloy na isinasagawa. Maging ang kanilang sariling problema ay nakararating sa ating bansa.

HANE FESTIVAL 2015

SA ikalimang pagkakataon, muling gagawin ang Hane Festival sa Tanay, Rizal. Ang Hane ay isang salita na ginagamit ng mga taga-Tanay kapag may ipinakikiusap o ipinagbibilin sa anak, kaibigan, kamag-anak at kababayan. Ngayong 2015, ang paksa o tema ng Hane Festival ay: Yamang Kalikasan, Lakbayin sa Tanay.

DALAWANG TAON ANG NAKALIPAS MATAPOS ANG SUPER BAGYONG ‘YOLANDA’

DALAWANG taon ang nakalipas ngayon nang manalasa ang super-typhoon ‘Yolanda’ sa Eastern Visayas, ginulat ang lahat—ang gobyerno maging ang mga Pilipino—sa kawalan ng ideya sa matinding pinsala na idudulot ng napakalakas na hangin at nagngangalit na delubyo na umahon mula sa dagat. Nakasisindak ang dami ng nasawi: 6,193, 28,689 ang nasugatan, at 1,061 ang nawawala.

SIMBAHAN ANG ‘MOST TRUSTED INSTITUTION’

SA ikaapat na sunod na taon, ang Simbahan ang pinakapinagkakatiwalaan ng mga Pilipino, nakakuha ng 73 porsiyentong trust rating mula sa publiko at 68% mula sa nakababatid na publiko, kasunod ang akademya na may 51% at 46%, at media na may 32% at 23%, batay sa resulta ng survey ng 2015 Philippine Trust Index (PTI).

1H 17:10-16 ● Slm 146 ● Heb 9:24-28 ● Mc 12:38-44 [or 12:41-44]

Sinabi ni Jesus sa kanyang pagtuturo: “Mag-ingat kayo sa mga guro ng Batas ng gustong lumakad na nakabarong at batiin ng mga tao sa liwasan, at mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga. Nang-uubos sila ng mga bahay ng mga biyuda, at nagdarasal nang mahaba para may idahilan.

KAHIRAPAN AY ‘DI HADLANG SA PAGTULONG

ISANG gabi noong nakaraang taon, na-stranded ang isang bagong kasal sa isang masukal na kalsada dahil sa malakas na buhos ng ulan. Hindi na nila magawang patakbuhin pa ang sasakyan kaya’t lumabas sila mula rito at tumakbo patungo sa isang munting bahay.

NAGBIGAY-DUNGIS

ISA na namang sindikato ang gumigiyagis sa kasalukuyang administrasyon na kinapapalooban ng kontrabando ng armas at iba pang electronic gadget na ipinasok sa New Bilibid Prison (NBP). Maliwanag na ang kasuklam-suklam na katiwaliang ito ay naglantad sa pagiging inutil ng mga namumuno sa naturang piitan sa Muntinlupa City. Sino ang makapaniniwala sa patuloy na pamamayagpag ng sindikato nang hindi namamalayan ng mga alagad ng batas?

KAGAGAWAN NG SINDIKATO

“WALANG sindikato sa likod ng tanim-bala” wika ni Department of Transportation and Communications (DoTC) secretary Emilio Abaya. Masyado lang daw pinalaki ang isyung ito. Kahit ba hindi trabaho ng sindikato ang anomalyang ito, mayroon talagang naglalagay ng bala sa bagahe ng mga pasahero. Lumalabas na nga ang mga nabiktima nito na nakakuha ng lakas ng loob sa overseas Filipino worker (OFW) na si Gloria Ortiñez na matapang na ipinaglaban ang kanyang karapatan. Mariin niyang itinanggi na dala niya ang balang nakita sa kanyang bag. Hinarap niya ang kasong isinampa laban sa kanya. itinatadhana ng pagkakataon na siya ang wawasak sa kabuktutang ginagawa ng kanyang kapwa.